29.4 C
Manila
Tuesday, May 28, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 12, 2024

DAGA (RAT)

Isang miyembro ng pamilya ang didistansya sa’yo dahil sa mga mababalitaan niya. Ang mga salitang makakarating sa kanya mula sa’yo ay hindi niya magugustuhan kaya naman maraming hindi magandang bagay sa nakaraan ang mauungkat.

Masuwerteng numero; 2,12,30,44

BAKA (OX)

Isang leksyon ang matututunan mo mula sa isang paslit. Mas makakabuti na itatak mo ito sa iyong puso at isipan at huwag iwawaglit saan ka man makarating dahil ang aral na ito ay makakatulong sa’yo sa mga susunod mo pang paglalakbay.

Masuwerteng numero; 11,21,34,35

TIGRE (TIGER)

Ito na ang araw para ikaw ay magpasya. Kailangan mo nang mamili kung sino sa dalawang tao ang mas karapat dapat para sa’yo. Hindi maaaring pareho silang magstay sa buhay mo dahil pare-pareho lang kayong masasaktan sa huli.

Masuwerteng numero; 7,29,53,56

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo kasama ang mga mahal sa buhay. Isang masayang bonding ang magaganap. Hindi ito madalas mangyari sa inyong pamilya kaya kailangan mong sulitin ang bawat oras na kasama sila sa pagsasaya.

Masuwerteng numero; 19,22,30,35

DRAGON (DRAGON)

Sa pagkakataong ito ay wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo. Huwag ka nang maghintay ng tulong mula sa ibang tao dahil kahit sino pa ang lapitan mo ngayon ay walang makakatulong sa’yo. Ito ay paraan ng Diyos para matuto kang tumayo sa sarili mong paa.

Masuwerteng numero; 8,9,12,13

AHAS (SNAKE)

Gawin mong patas ang pagtingin mo sa iyong mga kaibigan kung wala naman talagang nakakaangat sa kanila sa puso mo. Huwag mo silang bigyan ng dahilan para magkaselosan sa isang bagay na hindi naman dapat .

Masuwerteng numero; 34,36,47,48

KABAYO (HORSE)

Hindi ka lulubayan ng iyong kamag-anak na nagnanais ng tulong mula sa’yo. Bagamat hind kayo ganoon ka-close ay mapipilitan ka ring magbigay dahil sa pagpwersa niya sa’yo. Ipagpasalamat mo na lang na ikaw ang nagbibigay at hindi ang nangangailangan.

Masuwerteng numero; 18,20,29,50

TUPA (SHEEP)

Sa kabila ng mga problemang pinagdaraanan mo ngayon ay makukuha mo pa rin ang ngumiti at makaramdam ng saya kahit papa’no. Ito ay dahil sa isang tao na siyang nagbibigay sa’yo ng dahilan para patuloy na lumaban.

Masuwerteng numero; 16,27,33,39

UNGGOY (MONKEY)

Huwag kang mainip dahil malapit na ring mapasaiyo ang pinakaaasam mong parangal. Habang ito ay hinihintay mo, dagdagan mo pa ang iyong tiyaga at pagsisikap. Ipagpatuloy mo rin ang maganda mong pananaw para sa iyong pangarap.

Masuwerteng numero; 2,14,17,28

TANDANG (ROOSTER)

Mabibigo kang makita ang isang tao na matagal tagal mo na ring hinahanap. Kahit na galugarin mo pa ang social media at mga kakilala nyo ay hindi mo matatagpuan ni anino niya dahil hindi pa ito ang panahon para sa muli ninyong pagkikita.

Masuwerteng numero; 6,12,40,51

ASO (DOG)

Ang kasipagan mo sa trabaho ang siyang mag-aangat sa’yo. Kaya huwag kang mabigla kung makuha mo agad ang promosyon na matagal nang hinahangad ng mga nauna sa’yo sa trabaho. Manatiling humble sa pagitan ng mga papuri at kritisismo.

Masuwerteng numero; 21,31,75,78

BABOY (PIG)

Hindi maganda ang magiging takbo ng usapan nyo ng iyong mahal. May mga masasabi siya na magpapagulo sa isip mo at magiging daan para sa iyong mga pagdududa. Sikaping maging mahinahon para makapag-isip ng tama.

Masuwerteng numero; 6,66,79,80

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.