29.6 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 11, 2024

DAGA (RAT)

Mararanasan mo ngayon kung paano mahusgahan ng isang tao. Subalit sa halip na magpaapekto at makipagkomprontasyon ay sasarilinin mo na lang ang pagkadismaya at ipagpapatuloy ang mga gawain na alam mong tama.

Masuwerteng numero; 13,14,25,26

BAKA (OX)

Hindi magiging mahalaga sa’yo ang opinyon ng isang kamag-anak. Kahit pa malapit siya sa’yo. Sa problemang kinakaharap mo ay mas importante na sarili mong suhestiyon at solusyon ang mangibabaw kaysa sa iba.

Masuwerteng numero; 10,17,19,34

TIGRE (TIGER)

Ipagpapalit mo ngayon ang pera sa isang kaibigan. Para sa’yo ay mas importante ang inyong pinagsamahan kaysa anupamang materyal . Kaya naman ang pera sanang matatanggap ay ipapaubaya mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 50,56,67,68

KUNEHO (RABBIT)

Pakiramdam mo ay paglalaruan ka ng tadhana sa araw na ito. Dahil ang biyayang hinihintay ay halos abot kamay mo na pero bigla itong mawawala. Gayunpaman, may ibang biyaya ang ilalaan sa’yo na kailangan mo ulit hintayin.

Masuwerteng numero; 23,25,30,34

DRAGON (DRAGON)

Ang pabago-bago mong isip ang magiging dahilan kung bakit makakalipad mula sa mga kamay mo ang suwerte. Dapat mong matutunan na pag-isipan munang mabuti ang anumang pagdedesisyon na iyong bibitawan.

Masuwerteng numero; 2,4,5,8

AHAS (SNAKE)

Aanihin mo na ngayon ang good karma bunga ng mabubuti mong gawa nitong mga nakaraang araw. Ikakasiya mo ito ng lubos dahil para sa’yo ay sobra sobra pa ang lahat ng matatanggap kaya ibabahagi mo rin ito sa iba.

Masuwerteng numero; 38,39,40,45

KABAYO (HORSE)

Hindi ka magdadalawang isip na baguhin ang iyong naunang pasya dahil sa mapapatunayan mo sa iyong kinakasama ngayong araw. Hindi na tulad ng dati ang magiging pagtingin mo sa kanya dahil sa isang pangyayari.

Masuwerteng numero; 11,12,16,20

TUPA (SHEEP)

Marami kang dapat baguhin sa iyong sarili at ngayong araw ay gusto mong isa-isahin na isulat ang mga ito upang mapag-aralan mo kung paano ito babaguhin. From negative ay gusto mong maging positibong tao.

Masuwerteng numero; 14,20,33,37

UNGGOY (MONKEY)

Magiging mahaba ang diskusyon nyo ng iyong mahal dahil sa isang tao na parehong malapit sa inyo. May gagawin kasi siyang hindi mo sasang-ayunan kaya naman ang simpleng paliwanagan ay mauuwi sa pagtatalo.

Masuwerteng numero; 16,29,30,31

TANDANG (ROOSTER)

Ang pag-asa mo na maibalik ang dating sigla ng iyong negosyo ay malapit ng mangyari. Sa araw na ito ay magsisimula ka ng bumangon at makarecover mula sa malaking pagkalugi sa negosyo nitong mga nakaraang buwan.

Masuwerteng numero; 34,35,40,46

ASO (DOG)

Hindi basta basta sa inyong pamilya ang magiging panauhin mo ngayong araw. Kaya naman kahit takot ka pang tumanggap ng bisista ay bukas palad at buong puso mo siyang tatanggapin at aasikasuhin ng maayos.

Masuwerteng numero; 35,40,47,49

BABOY (PIG)

Hindi mo agad mauunawaan ang nais ipahiwatig sa’yo ng iyong anak dahil masyado kang abala sa iyong trabaho. Dahil dito ay magtatampo siya sa’yo. May pagkakataon ka para bumawi at ito ang siya mong gagawin ngayon.

Masuwerteng numero; 30,31,32,40

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.