28.6 C
Manila
Monday, May 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Mayo 1, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo inaasahan at hindi mo mamamalayan na nadaragdagan na pala ang iyong kaalaman sa mga bagay bagay. Ito ay dahil sa kawalan mo ng magawa kaya naman patuloy ang magiging pagtuklas mo sa mga maaari mo pang gawin.

Masuwerteng numero; 6,7,18,19

BAKA (OX)

Sisikapin mo pa rin na maging normal para sa iyong mga anak ang buhay. Sa kabila ng maraming pagbabago ay pipilitin mo na hindi nila masyadong maramdaman ang hirap. Tututukan mo ang pangunahin nilang pangangailangan.

Masuwerteng numero; 18,25,34,44

TIGRE (TIGER)

Pansamantala ka munang magpapahinga sa mga nakakapagod mong gawain sa trabaho. Sa araw na ito ay pipiliin mong gugulin ang buong maghapon sa pagkain, pagtulog at pagmumuni-muni sa mga kaganapan sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 40,41,55,59

KUNEHO (RABBIT)

Hindi ka mawawalan ng pag-asa kahit pa ngayong araw ay mabigo ka sa iyong inaasahan. Patuloy kang aasa na mapagtatagumpayan mo ang ninanais mong mangyari. Kailangan mo lang dagdagan ang iyong sipag at tyaga.

Masuwerteng numero; 24,27,30,31

DRAGON (DRAGON)

Malalaman mo na rin sa wakas ang pinakaiingatang lihim ng isang malapit na kaanak. Pero hindi tulad ng iba nyong kamag-anak ay hindi mo siya huhusgahan sa halip ay mag-iisip ka ng paraan para matulungan siya.

Masuwerteng numero; 11,12,13,20

AHAS (SNAKE)

Mawawalan ka ng panahon sa bago mong libangan dahil matutuon ang atensyon mo sa mas mahalagang bagay na mas higit na magiging kapaki-pakinabang sa iyong buhay at gayundin sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 5,6,17,19

KABAYO (HORSE)

Mawawalan ka ng pagpipilian. Sa ayaw at sa gusto mo ay kakailanganin mong sundin kung ano ang utos ng mga nakatatanda sa inyong pamilya. Alam mo naman na para rin sa ikakabuti mo ang kanilang sinasabi.

Masuwerteng numero; 30,42,56,60

TUPA (SHEEP)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga pinagpaguran mo. Hindi mo man makita sa ngayon ang magandang resulta ay mangyayari rin ito sa hinaharap. Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong mga ginagawa.

Masuwerteng numero; 7,17,27,37

UNGGOY (MONKEY)

Gusto mo nang mawalan ng pag-asa. Subalit ngayong araw ay mabubuhayan ka. Dahil ang biyaya na matagal mo ng hinihintay ay darating na sa iyong pintuan. Kaya naman magkakaroon ka ng kapanatagan hanggang sa susunod na araw.

Masuwerteng numero; 10,11,20,21

TANDANG (ROOSTER)

Sasama ang loob mo sa iyong kapatid dahil bukod sa hindi ka na niya mapagbibigyan sa pabor na iyong hinihiling ay makakarinig ka pa ng hindi magandang salita mula sa kanya kaya naman pipiliin mo munang dumistansya.

Masuwerteng numero; 24,25,36,38

ASO (DOG)

Magiging abala ka ngayon sa pagluluto pero hindi mo pa makukuha ngayong araw ang timpla na gusto mo. Kaya naman patuloy kang magreresearch at pag-aaralan ang recipe ng isang putaheng gustong gusto mong matutunan.

Masuwerteng numero; 6,16,30,31

BABOY (PIG)

Malaya mong magagawa ang nais mong gawin nang wala kang pinangingilagan dahil maiiwan kang mag-isa sa bahay. Kaya naman sasamantalahin mo ang pagkakataon na wala kang iniintindi na magbibigay sa’yo ng stress.

Masuwerteng numero; 66,69,71,72

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.