28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) May 20, 2024

DAGA (RAT)

Mabibigo kang makuha ang loob ng isang tao na gusto mong maging kakampi sa trabaho. Kakailanganin mo pang paghirapan at pagsikapan na may mapatunayan ka sa kanya bago mo tuluyang makuha ang loob at tiwala niya.

Masuwerteng numero; 14,20,22,23

BAKA (OX)

Kahit na ano pa ang nangyari sa inyong dalawa ay hindi mo pa rin maitatanggi sa iyong sarili na may natitira ka pang pagmamahal sa kanya. Mamamalas mo ito sa oras na makita mo siyang nahihirapan sa kanyang buhay.

Masuwerteng numero; 45,47,50,53

TIGRE (TIGER)

Ang silent war ninyong magkapatid na matagal nang nagaganap sa pagitan nyo ay muling magniningas ngayong araw dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Muli kayong magkakasubukan ng lakas at tapang.

Masuwerteng numero; 16,30,31,32

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw at ikaw pa rin ang siyang pagkakatiwalaan ng iyong pamilya lalo na sa mga mahahalagang usapin. Kaya naman wala kang mapagpipilian kundi gawin ang alam mong tama at higit na makabubuti para sa lahat ng miyembro ng pamilya.

Masuwerteng numero; 56,60,66,67

DRAGON (DRAGON)

May matutuklasan kang lihim ng isang kaibigan. Magdadalawang isip ka na isiwalat ito dahil tinitingnan mo ang inyong pinagsamahan. Subalit batid mo na kailangan na malaman ng lahat ang kanyang lihim dahil ito ang tama.

Masuwerteng numero; 9,10,13,20

AHAS (SNAKE)

Isang mahalagang okasyon ang makakaligtaan mo dahil sa sobrang kaabalahan mo ngayon sa ibang bagay. Wala ka namang magagawa kaya pag-iisipan mo na lang kung paano ka makakabawi sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 35,36,40,49

KABAYO (HORSE)

Hindi mo makakayang lusutan ang problemang kakaharapin mo nang walang tulong mula sa iyong kinakasama. Siya ang magsisilbing susi ng solusyon na kailangan mo. Dapat kang magpakumbaba sa kanya.

Masuwerteng numero; 16,27,28,30

TUPA (SHEEP)

Isang dating kaalitan ang makakakrus mo ng landas ngayon. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan na batiin siya subalit magagawa mo pa rin dahil gusto mo nang tuluyang makalimutan ang nangyari sa nakaraan.

Masuwerteng numero; 24,25,30,37

UNGGOY (MONKEY)

Ikakabahala mo ang hindi pagpaparamdam ng tao na may malaking pagkakautang sa’yo. Hindi ka sanay sa kanyang pananahimik kaya susubukan mong alamin kung ano ang mga ganap sa kanya ngayon at kung mababayaran ka pa niya.

Masuwerteng numero; 17,20,30,42

TANDANG (ROOSTER)

Doble kayod ang magiging drama mo ngayon. Kahit alam mo kung gaano kahirap ang haharapin mong sitwasyon ay hindi mo ito susukuan dahil nasa isip mo ang kalagayan ng iyong pamilya at ang ikakabuti nila.

Masuwerteng numero; 15,20,25,34

ASO (DOG)

Sa kabila ng pagbabago ng sitwasyon ay magiging mailap pa rin para sa’yo ang pera. Kahit na anong gawin mo ay hindi pa ito ang araw na makukuha mo ang kinakailangan mong halaga para sa importanteng bagay.

Masuwerteng numero; 6,9,10,11

BABOY (PIG)

Madodoble ang suwerte mo sa araw na ito dahil sa mabuting hangarin ng iyong puso. Bukod sa likas mong kapositibuhan ay madaragdagan pa ito ng taglay na suwerte ng mga taong makakasalamuha mo ngayong araw.

Masuwerteng numero; 18,19,20,22

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.