32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 30, 2024

DAGA (RAT)

May biyaya kang matatanggap ngayong araw maging ang iyong pamilya. Subalit hindi ito sasapat para sa inyong lahat. Gayunpaman ay labis mo na itong ipagpapasalamat kasabay ng panalangin na sana ay may dumating pa sa ibang araw.

Masuwerteng numero; 10,13,14,20

BAKA (OX)

Ang buhay ay magpapatuloy sa kabila ng mga hindi magandang sitwasyon sa iba’t-ibang panig ng bansa. May sapat kang tapang at lakas ng loob para harapin ang araw-araw na paghamon ng kapalaran sa inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 6,9,11,17

TIGRE (TIGER)

Isang kapitbahay ang makakabangga mo dahil lamang sa mga salitang makakarating sa’yo mula sa kanya. Hindi mo man ito gustong patulan ay mapapatulan mo pa rin dahil makakaramdam ka ng pagkapuno.

Masuwerteng numero; 45,47,48,52

KUNEHO (RABBIT)

Umiwas sa matataong lugar dahil malaki ang posibilidad na tamaan ka ng nakakahawang sakit kung patuloy na magiging pasaway. Mas makakabuti kung matututong sumunod sa mga nakakatanda lalo na sa magulang.

Masuwerteng numero; 7,19,22,24

DRAGON (DRAGON)

Sa ilang araw mong pananahimik ay ngayon ka magkakaroon ng lakas ng loob para magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili laban sa mga taong madalas na kumokontra sa’yo at sa iyong mabuting intensyon.

Masuwerteng numero; 20,25,30,35

AHAS (SNAKE)

Kahit ayaw mong mamili ay mapipilitan ka pa rin na piliin kung sino sa dalawang tao na may hindi pagkakaunawaan ang iyong papanigan. Kung hindi ka pa pipili sa kanila ay pareho silang mawawala sa’yo.

Masuwerteng numero; 28,29,33,44

KABAYO (HORSE)

Huwag basta basta magtitiwala sa mga naririnig mo. Lalo na kung ang mga salitang ito ay nagmula sa isang tao na minsan ng sumira sa tiwala mo. Matutong mag-isip ng mabuti bago pumatol sa istorya ng iba.

Masuwerteng numero; 51,57,59,60

TUPA (SHEEP)

Mahalaga para sa’yo na maunawaan ng iyong mga anak lalo na ang mga bata kung ano ang nangyayari ngayon sa paligid upang mas maging madali para sa kanila ang sumunod sa lahat ng sasabihin at ipag-uutos mo.

Masuwerteng numero; 18,19,26,27

UNGGOY (MONKEY)

Hindi ka magkakaroon ng kapanatagan ngayon dahil tagilid na rin ang iyong trabaho. Nangangahulugan na anytime ay maaari kang mawalan ng kita. Ito ang kinatatakutan mo at ayaw mong dumating sa’yo dahil sa iyong mga anak.

Masuwerteng numero; 40,43,46,48

TANDANG (ROOSTER)

Mawawalan ng saysay ang pinaghirapan mo dahil sa isang pagkakamali. Ngayon mo mare-realize na hindi ka dapat nagpapadalos dalos ng pagpapasya lalo na kung ito ay may kinalaman sa iyong pinapasukang trabaho.

Masuwerteng numero; 56,65,69,71

ASO (DOG)

Makakatanggap ka ng tawag mula sa isang malayong kamag-anak na nangangailangan ng tulong. Hindi ka magdadalawang isip na tulungan siya. Ang magiging problema ay sa lugar kung saan siya naroon ngayon.

Masuwerteng numero; 30,34,44,45

BABOY (PIG)

May malaking pagbabagong magaganap sa samahan nyo ng iyong pamilya dahil sa magkakaiba ninyong opinyon hinggil sa isang mahalagang bagay. Magiging mitsa ito ng pagkakawatak watak kung hindi agad maaayos.

Masuwerteng numero; 6,8,18,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.