29.4 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 29, 2024

DAGA (RAT)

Magiging mabilis ang paglipas ng oras para sa’yo ngayong araw na’to. Kaya naman hindi mo halos ito mamamalayan. Magtataka ka dahil kahit wala kang ginagawa o pinagkakaabalahan sa ngayon ay hindi ka makakaramdam ng inip.

Masuwerteng numero; 14,16,18,20

BAKA (OX)

Wala kang magiging problema sa mga kasama mo sa bahay ngayon. Lahat sila ay magiging masunurin sa’yo. Makikisama sila at makiki-cooperate kaya magkakaroon ka na rin ng kapanatagan. Wala sa kanila ang magpapasaway.

Masuwerteng numero; 6,8,19,24

TIGRE (TIGER)

Tuloy ang problema pero tuloy pa rin ang paggawa mo ng paraan para solusyunan ito. Walang sukuan. Hindi ikaw yung tipo ng tao na nagpapadaig sa mga pagsubok. Dito mo maipapakita sa kanila ang iyong pagmamahal.

Masuwerteng numero; 12,19,20,22

KUNEHO (RABBIT)

Wala silang ibang maaasahan kundi ikaw. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay gagawin mo ang iyong parte sa inyong pamilya. Makakaya mo ang inaakala mong hindi mo kayang gawin. Alang-alang sa buong pamilya.

Masuwerteng nuemro; 40,45,51,52

DRAGON (DRAGON)

Sa kabila ng iyong takot at pangamba ay gagawin mo pa rin ang tungkuling sinumpaan mo sa bayan. Ang pag-aagam agam ay walang puwang sa mga panahon ngayon. Dasal at pag-iingat ang magiging sandata mo.

Masuwerteng numero; 9,10,13,30

AHAS (SNAKE)

Dahil sa iyong pagiging pasaway kaya naman ang lahat ng mga mata ng miyembro ng pamilya ay nakatutok sa’yo ngayon. Hindi mo ito dapat masamain dahil para rin sa’yo at sa ikabubuti mo ang iniisip nila.

Masuwerteng numero; 17,28,29,34

KABAYO (HORSE)

Sa kabila ng pagsusumikap mo na makatulong sa ibang tao ay meron pa rin na hindi maa-appreciate ang ginagawa mo. Ilan sa kanila ang makakakita pa rin ng butas para sirain ang maganda mong intensyon at diskarte.

Masuwerteng numero; 31,35,39,40

TUPA (SHEEP)

Kahit na safe na ang buo mong pamilya sa inyong tahanan ay hindi mo pa rin maiaalis sa sarili na mag-alala sa mga nangyayari sa paligid. Ang hindi magagandang kaganapan ay patuloy na babagabag sa’yo hanggang sa pagtulog.

Masuwerteng numero; 10,11,12,15

UNGGOY (MONKEY)

Sa wakas ay darating na rin ngayon ang isang miyembro ng pamilya na pinakahihintay nyo. Dahil sa kanyang pagdating kaya naman bawat isa sa inyo ay magkakaroon na ng kapanatag kahit papa’no dahil kumpleto na kayo.

Masuwerteng numero; 50,54,60,68

TANDANG (ROOSTER)

Isang kaibigan ang nakatakdang lumisan sa araw na ito. Kahit na matagal na kayong hindi nagkikita at walang komunikasyon ay makakaramdam ka pa rin ng lungkot sa kanyang pagkawala at lungkot para sa kanyang pamilyang maiiwan.

Masuwerteng numero; 25,30,33,34

ASO (DOG)

Hindi ka makakaramdam ng pagod kahit 24/7 ka pang magtrabaho dahil gusto mo ang iyong ginagawa. Maluwag sa loob mong ihandog ang iyong serbisyo para sa mga taong higit na nangangailangan ngayon ng tulong.

Masuwerteng numero; 61,62,66,70

BABOY (PIG)

Isang mensahe mula sa social media ang makakatawag ng iyong pansin at magiging dahilan para ipagpatuloy mo ang maganda mong layunin sa buhay. Ang mensaheng ito ang magbibigay ng inspirasyon sa’yo.

Masuwerteng numero; 29,30,36,49

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.