27.3 C
Manila
Wednesday, July 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 28, 2024

DAGA (RAT)

Magkakamali ka ng babanggaing tao. Yung inaaakla mo na madadaan mo sa parinig ay papalag sa’yo. Kaya naman kahit papa’no ay makakaramdam ka ng takot hindi mo man ito aminin sa sarili mo o sa ibang tao.

Masuwerteng numero; 10,13,20,25

BAKA (OX)

Maaliwalas ang magiging araw mo ngayon dahil isa sa mga problema mo ang masosolusyunan. Dahil dito ay magkakaroon ka ng pag-asa na magagawan mo rin ng paraan ang iba mo pang problema sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 8,18,19,23

TIGRE (TIGER)

Tulad ng mga nakaraang araw, pera pa rin ang problema mo. Kung dati ay mahirap magkaroon nito mas lalong mahirap magkaroon ngayong nahinto ka sa trabaho. Ipagpatuloy mo lang ang panalangin dahil parating na ang biyaya.

Masuwerteng nuemro; 26,27,30,34

KUNEHO (RABBIT)

Makakabuti sa’yo ang ginagawa mong paghahanap ng makabuluhang bagay na mapaglilibangan sa loob ng bahay. Hindi ka mabibigo dahil hindi magtatagal ay makakahanap ka rin ng isang napakagandang aktibidad.

Masuwerteng numero; 45,47,49,51

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang siyang magiging sagot sa pagkabugnot ng isang tao. Dahil sa’yo ay aaliwalas ang madilim niyang araw. Ikaw lang ang siyang makapaglalagay ng ngiti sa kanyang mga labi kaya naman ikakatuwa mo rin ito.

Masuwerteng numero; 13,16,27,28

AHAS (SNAKE)

Walang halaga sa’yo ang sinasabi at sasabihin pa ng iba. Kapag alam mo na wala kang ginawang mali ay handa kang ipaglaban ang iyong panig saan man makarating. Pawang mga papuri lang ang matatanggap mo ngayon.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

KABAYO (HORSE)

Isang kaibigan ang mamimiss mo ngayong araw. Masyado kang mag-aalala para sa kanyang kalagayan dahil alam mo naman kung gaano kahirap ang pinagdaraanan niya at wala ka man lang magagawang tulong sa ngayon.

Masuwerteng numero; 10,20,32,34

TUPA (SHEEP)

Likas ang iyong kabaitan kaya naman magagawa mong palampasin ang mga kamaliang magagawa sa’yo ng ilang miyembro ng pamilya. Handa ka pa rin na sila ay unawain. Sa halip na magalit ay ibabaling mo na lang ang atensyon mo sa iba.

Masuwerteng numero; 34,35,40,44

UNGGOY (MONKEY)

Ang maganda mong mood ngayong araw ay mapapalitan ng hindi kanais nais na pakiramdam dahil sa isang masakit na salitang maririnig mo. Hindi ikaw ang tipo ng tao na mapagpalampas kaya ipapakita mo sa taong ito ang iyong bangis.

Masuwerteng nuemro; 19,20,26,27

TANDANG (ROOSTER)

Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari sa paligid ay mananatiling matatag ang iyong negosyo. Kailangan ng tao ang pagkain kaya naman magiging mabenta pa rin ang iyong paninda. Dapat mo itong ipagpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 6,7,9,10

ASO (DOG)

Aanihin mo ngayon ang resulta ng nagawa mong pagkakamali nitong araw. Wala ka ng magagawa para mabago ito pero may magagawa ka pa para maging mas magaan ang mga susunod na araw para sa’yo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 15,16,20,21

BABOY (PIG)

Sisikapin mo na makauwi ngayon sa iyong pamilya kahit na ano pa ang mangyari. Gagawa at gagawa ka ng paraan makasama lang sila. Maaga pa lang ay paghahandaan mo na ang panganib na susuungin mo sa daan.

Masuwerteng numero; 3,6,7,9

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.