32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 27, 2024

DAGA (RAT)

May magagawa ka para makatulong sa pamilya. Pero wala ka pang balak na kumilos sa ngayon. Gusto mo munang pag-isipan ang lahat ng iyong gagawin dahil takot kang magkamali. Dadaan pa ang ilang araw bago ka kumilos.

Masuwerteng numero; 15,17,20,30

BAKA (OX)

Mahalaga ang papel na gagampanan mo sa iyong kapwa sa ngayon. Kaya naman isasantabi mo muna ang pansarili mong kalagayan. Ang buong panahon mo ay mapopokus sa kung ano ang mas mahalaga para sa lahat.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mahihiyang sabihin sa lahat kung ano talaga ang nararamdaman mo at ang opinyon mo tungkol sa isang mahalagang usapin na may kinalaman sa iyong mga ka-barangay. Para sa’yo ay may karapatan ka ring magpahayag.

Masuwerteng numero; 52,54,67,68

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo maiiwasan ang panghuhusga ng ibang tao dahil sa isang kamalian na iyong magagawa. Dahil dito,  mas higit kang maging maingat, lalo na at marami pa rin naman ang nagtitiwala sa iyong kakayahan.

Masuwerteng numero; 32,33,35,39

DRAGON (DRAGON)

Isang bisita ang kakatok sa inyong pintuan. Bagamat siya ay malapit sa inyong pamilya, magdadalawang isip ka na siya ay patuluyin dahil sa takot na siya ay makapagdala ng sakit sa pamilya.Subalit mas mangingibabaw sa’yo ang awa.

Masuwerteng numero; 7,8,18,19

AHAS (SNAKE)

Hindi pa ito ang tamang panahon para harapin mo ang isang dating karelasyon. Hindi ibig sabihin ng muli ninyong komunikasyon ay  muli kang makikipagrelasyon sa kanya. Dapat kang umiwas hangga’t may pagkakataon pa.

Masuwerteng numero; 16,20,23,25

KABAYO (HORSE)

Iba ang takbo ng utak mo sa takbo ng utak ng iba. Dapat mo itong maintindihan. Kaya naman hindi lahat ng tao ay makakaintindi sa gusto mong mangyari o sa lahat ng salitang iyong bibitawan. Dapat mo rin irespeto ang kanilang opinyon.

Masuwerteng nuemro; 30,34,40,45

TUPA (SHEEP)

Isang magandang pagkakataon ito para makita mo kung saan ka nagkamali. Kailangan mo lang lumayo muna sa iba at magnilay nilay.  Kusa mong malalaman at maiintindihan ang pagkukulang mo sa mga taong kasama mo sa bahay.

Masuwerteng numero; 3,5,7,8

UNGGOY (MONKEY)

Makakaramdam ka ng pagkabugnot at pagkainip ngayon sa bahay dahil sa kawalan ng magawa. Kaiinipan mo ang araw na magiging maayos na ang lahat upang makabalik na sa normal ang buhay mo at ng iba.

Masuwerteng numero; 11,12,20,22

TANDANG (ROOSTER)

Hindi pa tapos ang laban kaya naman mananatili kang matatag at mag-iisip ng mga bagong ideya na makakatulong sa maraming tao. Ang araw na ito ay mapupuno ng stress para sa’yo dahil sa labis na pag-iisip.

Masuwerteng numero; 44,46,65,67

ASO (DOG)

Isang tao na walang kwentang kausap ang maeencounter mo sa social media. Gayunpaman, kahit wala siyang kwenta para sa’yo ay mababasa mo na ang kanyang mga sinasabi ay mayroong halaga sa iba pang mga tao.

Masuwerteng numero; 7,18,20,32

BABOY (PIG)

Aakalain mo na panaginip lang ang lahat. Pero gigising ka pa rin ngayong umaga na walang nagbago sa inyong sitwasyon sa bahay. Problema pa rin ang nasa iyong harapan at wala ka pa ring mahahanap na solusyon.

Masuwerteng numero; 30,31,42,46

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.