33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 24, 2024

DAGA (RAT)

May mahalagang bagay kang matatagpuan sa isang parte ng inyong bahay. Matagal mo na itong hinahanap at kung sinu-sino na rin sa mga miyembro ng inyong pamilya ang iyong napagbintangan kaya ikakatuwa mo na makita itong muli.

Masuwerteng numero; 5,6,9,10

BAKA (OX)

May mapupulot kang aral mula sa isang tao na hindi mo inaasahan. Akala mo ay wala siyang kwentang tao pero siya pa pala ngayon ang magtuturo sa’yo ng isang mahalagang bagay na dapat mong matutunan.

Masuwerteng numero; 20,25,30,32

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mabibigo ngayon sa inaasam mong mangyari. Makakausap mo ang tao na gusto mong makausap. Gayunpaman ang inyong magiging pag-uusap ay hindi tulad ng inaasahan mo. Hindi mo maririnig sa kanya ang gusto mong marinig.

Masuwerteng numero; 9,11,12,24

KUNEHO (RABBIT)

Mag-ingat sa paglabas labas. Kailangan na palagi kang maging alerto sa iyong paligid. Sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda ay marami pa rin ang mga tao na mapagsamantala at uunahin ang kanilang sarili.

Masuwerteng numero; 50,54,62,63

DRAGON (DRAGON)

Wala kang masasabi sa iyong mga in-laws sa panahon na ito na kailangang kailangan mo ng karamay.Hindi ka nila pababayaan at sisiguraduhin nila na magiging maayos ang iyong kalagayan at ng iyong mga anak tulad nila.

Masuwerteng numero; 34,36,39,41

AHAS (SNAKE)

Malaki ang posibilidad na ikaw ay magkasakit ngayong araw. Hindi mo mapipigilan ang pagsama ng iyong pakiramdam. Subalit wala kang masyadong dapat ipag-alala dahil isa lamang itong pangkaraniwang lagnat.

Masuwerteng numerol 89,90,91,92

KABAYO (HORSE)

Magiging masaya ang pagkikita nyo ng isang kamag-anak. Biglaan lamang ito at hindi nyo pareho inaasahan ang pagkukrus ng inyong landas. Pero hindi kayo magkakaroon ng sapat na oras para magkabalitaan.

Masuwerteng numero; 7,19,20,22

TUPA (SHEEP)

Sa ganitong panahon ay huwag ka ng umasa na ikaw ay mababayaran pa ng isang pinagkakautangan. Kung nasa kagipitan siya noon, mas lalo siyang lubog sa kagipitan ngayon. Kaya ikaw na mas may kakayanan ang siya pa ring uunawa.

Masuwerteng numero; 24,26,37,38

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa labis na sayang mararamdaman mo ay hindi mo na alintana ang mga bagay na nakakapagbigay ng stress sa’yo. Maganda ang mga makikita mo sa social media at dito matutuon ang malaking porsiyento ng iyong atensyon.

Masuwerteng numero; 15,16,20,24

TANDANG (ROOSTER)

Tuloy lang ang buhay sa kabila ng mga hindi pangkaraniwang kaganapan. Lahat ay gagawin mo at susubukan mapanatili mo lamang na normal pa rin ang iyong buhay gayundin ang lahat ng miyembro ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 30,33,34,40

ASO (DOG)

Isang tao ang sisira ng mood mo sa araw na ito.Umaga pa lang ay hahadlangan na niya ang pagkakaroon mo ng good vibes. Subalit huwag mag-alala dahil sa kabila nito ay may sasagip pa rin sa’yo para mawala ang bad trip mo.

Masuwerteng numero; 7,11,13,20

BABOY (PIG)

Hindi magaganda ang makikita mo sa social media gayundin ang maririnig mo mula sa bibig ng mga palakuwento ninyong kapitbahay. Kaya naman maghahanap ka ng way para naman maging positive ang awra mo.

Masuwerteng numero; 34,36,40,45

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.