32.3 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 23, 2024

DAGA (RAT)

Wala kang hindi kakayanin sa panahon ngayon. Ang lahat ay makakaya mong dalhin kahit mag-isa ka lang. Inspirasyon mo ngayon ang iyong mahal sa buhay na nasa malayo at gagawin mo ang lahat para sa kanya.

Masuwerteng numero; 7,8,19,21

BAKA (OX)

May magagawa kang pagkakamali sa isang tao pero agad ka ring makakabawi. Takot ka ngayong magkamali dahil gusto mo na maging magaan lang ang buhay mo ngayon at walang anumang inaalala lalo na sa kahit na sino.

Masuwerteng numero; 17,20,32,45

TIGRE (TIGER)

Isang dating kaibigan ang kokontak sa’yo sa pamamagitan ng social media. May kailangan siya sa’yo. Pero gustuhin mo man ay hindi mo maibibigay sa kanya ang kailangan niya sa’yo dahil may sarili kang problemang hinaharap.

Masuwerteng numero; 40,41,50,53

KUNEHO (RABBIT)

Maiipit ka sa sitwasyon na ayaw na ayaw mong maranasan. Ito ay ang gulo sa pagitan ng mahal mo at ng iyong sariling mga kamag-anak. Pero huli na para magsisi ka. Nasa gitna ka na ng kanilang silent war na mas lalala pa.

Masuwerteng numero; 8,10,13,14

DRAGON (DRAGON)

May uumpisahan kang proyekto na hindi mo matatapos ngayong araw na ito.Kahit gaano ka pa kasigasig na tapusin ito ay sadyang marami ang magiging hadlang sa’yo sa bawat oras na lilipas sa buong maghapon mo.

Masuwerteng numero; 20,22,26,30

AHAS (SNAKE)

Normal lang na lilipas ang araw na ito para sa’yo. Sa kabila ng hindi magandang kaganapan sa ibang lugar ay mananatiling maayos ang sitwasyon sa loob ng inyong tahanan. Kaya naman ipagpapasalamat mo ito ng husto sa Diyos.

Masuwerteng numero; 33,38,40,50

KABAYO (HORSE)

May konting pagbabago sa iyong negosyo. Gayunpaman, hindi mo ito iindahin dahil mananatiling positibo ang pagtingin mo sa bawat umagang darating.  Tatanggapin mo ng maluwag sa iyong kalooban anuman ang kasapitan ng iyong negosyo.

Masuwerteng numero; 15,16,19,20

TUPA (SHEEP)

Hindi ka magdadalawang isip na tulungan ang isang kakilala. Nakatatak kasi sa isip mo ang mga panahon na siya pa ang tumutulong sa’yo kaya naman pagkakataon mo na ito para makabawi ka sa kanya ngayong siya naman ang nangangailangan.

Masuwerteng numero; 32,43,45,49

UNGGOY (MONKEY)

Tuloy lang ang trabaho sa bahay. Kahit pinanghihinaan ka ng loob dahil kulang ang miyembro ng iyong pamilya ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang sitwasyon. Kailangan mo na maging matatag at malakas para sa iyong mga anak.

Masuwerteng numero; 18,19,24,25

TANDANG (ROOSTER)

Malabo pang mapagbigyan ka ng iyong boss sa kahilingan mo. Marami pa siyang iniintindi at wala ka sa listahan ng kanyang prayoridad kaya naman mas makakabuti kung hindi mo na ito aasahan at sa halip ay maghanap ka na lang ng ibang paraan.

Masuwerteng numero; 50,51,66,67

ASO (DOG)

Mahihirapan kang awatin sa mga hindi magandang gawi ang isang nakababatang kamag-anak. Sadyang meron siyang attitude na inaayawan n g buo ninyong pamilya. Pero hindi ka susuko sa kanya. Kailangan niya ang tulad mo.

Masuwerteng numero; 62,65,67,74

BABOY (PIG)

Marami kang mapupulot na ideya sa internet para hindi ka mabored sa pananatili mo sa loob ng isang tahanan na hindi mo sarili. Pansamantala ay magiging abala ka rito at ito ang unang araw na babalik ang sigla mo.

Masuwerteng numero; 4,6,15,17

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.