30.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 22, 2024

DAGA (RAT)

Balewala sa’yo ang sinasabi ng ng iba kaya naman gagawin mo pa rin kung ano ang gusto mong gawin. Dahil dito, kailangan mong ihanda ang iyong sarili sa mas mga kumplikadong pangyayari dahil naging matigas ang iyong ulo.

Masuwerteng numero; 16,29,30,33

BAKA (OX)

Hindi mo maiiwasan ang isang tao na bubuntot sa’yo saan ka man magpunta. Kaya naman sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mo siyang harapin. Kailangan mong ayusin anuman ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nyo.

Masuwerteng numero; 34,38,40,41

TIGRE (TIGER)

Mawawalan ka ng sigla na gawin ang mga dating aktibidad. Sa araw na ito ay wala kang ibang gustong gawin kundi ipahinga ang iyong isip at katawan mula sa nakakapagod na mga aktibidad nitong nagdaang araw.

Masuwerteng numero; 45,55,58,60

KUNEHO (RABBIT)

Magiging masaya ka pa rin sa kabila ng mga nangyayari sa labas. Dahil kapiling mo ang iyong pamilya. Marami kayong magagawa sa araw na ito sa tulong ng bawat isa. Magiging kapaki-pakinabang ang buong maghapon.

Masuwerteng numero; 7,9,10,13

DRAGON (DRAGON)

Dahil mahihirapang magdesisyon ang nakatatanda sa inyong pamilya kaya ikaw na ang siyang magbo-volunteer na gumawa ng pagpapasya para sa ikabubuti nyo. Pero kailangan mo munang pag-isipan ang bubuuing pasya.

Masuwerteng numero; 8,18,29,30

AHAS (SNAKE)

Ito ang araw na maipapakita mo sa lahat kung gaano ka kasigasig na magampanan ang iyong tungkulin sa trabaho. May mga hindi makakaintindi sa’yo dahil mas pipiliin mo ito kaysa sa iyong pamilya subalit kailangan mo pa ring magpatuloy.

Masuwerteng numero; 32,34,37,40

KABAYO (HORSE)

Huwag nang iasa sa iba ang kaya mo namang gawin. Ngayong araw ay malalaman mo kung paano tumayo sa sariling paa dahil wala sa mga kokontakin mo ang makakatugon sa pangangailangan mo. Kakayanin mo.

Masuwerteng numero; 52,55,64,67

TUPA (SHEEP)

Gagana ang iyong pagiging creative sa mga bagay bagay ngayon sa loob ng inyong tahanan. Lalo na pagdating sa kusina. Marami kang unique recipe na maihahain para sa iyong pamilya gamit lamang ang mura at iilang sangkap.

Masuwerteng numero; 17,35,36,39

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa ilang araw mong pananatili sa bahay ay may matutuklasan kang natatago mong talento. Dito ngayon matutuon ang isip at oras mo maging sa mga susunod pang araw. Pipiliin mo na paunlarin ang talentong ito.

Masuwerteng numero; 13,14,20,21

TANDANG (ROOSTER)

Malaki ang mawawala sa’yo ngayong wala kang trabaho. Pero malaki rin ang kapakinabangang makukuha mo sa loob ng inyong tahanan. Hindi man pera kundi ito ay mga kaalaman na maipagmamalaki mo sa iba.

Masuwerteng numero; 40,42,53,55

ASO (DOG)

Mauubos ang buong maghapon mo sa paglilinis ng bahay. General cleaning katulong ang iyong mga kasama sa bahay. Yung akala mo na konting oras lang na igugugol dito ay tatagal hanggang sa bago ka matulog sa gabi.

Masuwerteng numero; 3,4,6,7

BABOY (PIG)

Yung tao na inaasahan mong makakaramay mo ngayon sa gitna ng iyong hindi magandang dinaranas ay wala sa tabi mo. Hindi ka makatitiyak kung kailan mo siya muling makikita o makakausap man lang sa mga darating na araw.

Masuwerteng numero; 61,62,63,70

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.