32.2 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 21, 2024

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa mga salitang binibitawan sa social media dahil malaki ang posibilidad na may makabangga kang tao na kasalukuyang nasa posisyon. Dapat kang maging mahinahon sa kabila ng hindi magandang kaganapan sa paligid.

Masuwerteng numero; 11,14,20,27

BAKA (OX)

Hindi ka mawawalan ng grasya ngayong ikaw ay nasa gitna ng kagipitan. Marami sa iyong mga kaibigan ang dadamay sa’yo dahil alam nilang nag-iisa ka lang sa buhay. Dapat mo itong tanawin na isang malaking blessing at pasalamatan.

Masuwerteng numero; 8,23,29,34

TIGRE (TIGER)

Haharapin mo ngayon ang isang pangyayari na hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. Sa kabila nito ay pipiliin mong maging positibo. Pipilitin mo na rin na gawin ang lahat ng iyong makakaya at hindi umasa sa iba.

Masuwerteng numero; 43,45,56,59

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang magagawa sa araw na ito para isalba ang iyong negosyo. Kahit pa anong gawin mo ay magpapatuloy ito sa pagbagsak. Mas mabuti kung magpapahinga muna at mag-iisip ng ibang opsyon para sa kasalukuyang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 25,26,28,33

DRAGON (DRAGON)

Maging kalmado at huwag palaging pairalin ang tigas ng ulo lalo na sa mga nakakatanda. Mas sila ang nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa’yo at sa lahat ng miyembro ng inyong pamilya kaya matutong makinig.

Masuwerteng numero; 50,57,65,66

AHAS (SNAKE)

Ito na ang tamang pagkakataon para sabihin sa iyong kapareha ang nagawa mong pagkakamali nitong mga nakaraang araw. Anuman ang kanyang maging reaksyon at desisyon ay dapat mong tanggapin ng maluwag sa iyong kalooban.

Masuwerteng numero; 16,18,20,22

KABAYO (HORSE)

May magagawa ka para tulungan ang iyong mga kamag-anak na naghihikahos at humaharap din ngayon sa problema ng bansa. Huwag magdalawang isip na mag-abot ng tulong kahit papa’no. Makakagaan ito sa iyong pakiramdam.

Masuwerteng numero; 16,25,30,34

TUPA (SHEEP)

Sa araw na ito ay mapapatunayan mo ang halaga mo sa iyong pamilya. Maya’t maya ka nilang kakamustahin at aalamin ang iyong kalagayan. Hindi sila matatahimik hangga’t hindi nila nasisiguro ang iyong kaligtasan.

Masuwerteng numero; 5,7,9,11

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao ang lihim na hahanga sa iyong katapangan. Wala ka mang marinig na papuri mula sa kanya, deep inside ay malaki ang paghanga niya sa iyong pagkatao. Naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon para mapalapit sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,21,24,26

TANDANG (ROOSTER)

Iba ang magiging dating sa’yo ng salitang lalabas sa bibig ng isang kaibigan. Kaya naman sasama ang loob mo sa kanya. Pero wala kang balak palakihin ang isyung ito kaya naman pipiliin mo na lang ang manahimik at iwasan siya.

Masuwerteng numero; 11,13,14,15

ASO (DOG)

Maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid. Sa kabila ng kakapusan at hindi magandang kalagayan ng marami ay may mga tao pa ring mapagsamantala at isa sa kanila ang makakasalamuha mo ngayon.

Masuwerteng numero; 62,63,70,79

BABOY (PIG)

Iwasan na ang maglalabas ng bahay. Malapit ka sa disgrasya ngayon. Mas makakabuti kung mananatili sa loob ng iyong tahanan. Kailangan mong magdoble ingat dahil ang araw na ito ay may dalang kamalasan.

Masuwerteng numero; 17,19,22,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.