33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 19, 2024

DAGA (RAT)

May kamag-anak kang mula sa malayo ang makikiusap sa’yo ngayon na pansamantala ay hayaan mo siyang makituloy sa inyo. Magkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa umpisa pero mangingibabaw sa’yo ang awa.

Masuwerteng numero; 7,18,29,30

BAKA (OX)

Sa kabila ng paglaganap ng panganib na dala ng covid-19 ay may magagandang bagay ka ring matutuklasan sa iyong sarili. May kinalaman ito sa relasyon mo sa bawat miyembro ng pamilya mo na iyong makakasama.

Masuwerteng numero; 11,13,24,26

TIGRE (TIGER)

Hindi ka mapapalagay hangga’t may mahal ka sa buhay na hindi mo kapiling sa mga sandaling ang lahat ay nasa panganib. Kaya naman abot-abot ang iyong magiging panalangin upang manatili siyang ligtas sa kanyang kinaroroonan.

Masuwerteng numero; 8,18,22,24

KUNEHO (RABBIT)

Isang malaking aral ang mapupulot mo mula sa malaking problemang kinakaharap mo ngayon at ng iyong pamilya. Ngayon mo lang mapagninilay nilayan ang mga nagawa mong pagkakamali nitong mga nakaraang araw at buwan.

Masuwerteng numero; 50,54,58,61

DRAGON (DRAGON)

Bagong recipe ang hindi sinasadyang matutuklasan mo dahil sa pagkakamaling magagawa sa pagluluto. Ang eksperimento mong ito ang magbubukas sa isip mo ng bagong ideya kung paano madaragdagan ang iyong kita.

Masuwerteng numero; 34,37,40,43

AHAS (SNAKE)

Hahangaan mo ang isang taong malapit sa’yo kung paano siya magdala ng problema. Ke maliit man ito o malaki ay kalmado niya itong hinaharap at hinahanapan ng solusyon. Kaya naman siya ang nanaisin mong tularan.

Masuwerteng numero; 30,31,43,44

KABAYO (HORSE)

Hindi mo man intensyon ay may mga tao pa rin sa paligid mo ang hindi mapipigilang mainis sa mga mali mong gawa. May masasabi ka ring hindi nila magugustuhan kaya naman hindi nila maiiwasan ang mapikon.

Masuwerteng numero; 9,19,26,30

TUPA (SHEEP)

Ito na ang pinakamainam na araw para ikaw ay magbayad ng utang. Ang tao na pinagkautangan mo ay nasa labis na kagipitan ngayon kaya’t ikaw na lang ang pag-asa nila na kahit papa’no ay makabawas sa kanilang problema sa pera.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

UNGGOY (MONKEY)

Malayo man kayo ngayon sa isa’t-isa ay mananatili siyang laman ng iyong isip at ganoon din siya sa’yo. Hindi nyo maiiwasan na mag-alala sa inyong sitwasyon, pero sabi nga love wins. Kahit pa anong mangyari.

Masuwerteng numero; 10,11,13,24

TANDANG (ROOSTER)

Mag-ingat sa iyong mga kinakain dahil posible kang makakuha ng sakit mula rito. Makakaramdam ng hindi maganda sa katawan kaya’t agad itong agapan. Iwasang magpatumpik tumpik dahil para ito sa iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 49,56,67,68

ASO (DOG)

May maganda kang magagawa para sa ikabubuti ng kapakanan ng iyong pamilya. Kailangan mo lang mag-stick sa kung ano ang nauna mong plano. Huwag makinig sa sinasabi ng iba upang makapagpokus ka sa tama.

Masuwerteng numero; 50,65,71,72

BABOY (PIG)

Dahil lie low ka sa trabaho ay magkakaroon ka ng pagkakataon na maibaling  ang atensyon mo sa ibang  mahalagang bagay. Magagawa mo na rin ang gusto mong gawin at walang makakapigil sa’yo ngayon na i-push ito.

Masuwerteng numero; 5,16,28,29

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.