33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 18, 2024

DAGA (RAT)

Mahaharap sa isang malaking pagsubok ang iyong pamilya. Wala kayong ibang tao na malalapitan at maaasahan kundi ang isa’t-isa. Sa lahat ng miyembro ng pamilya ay ikaw ang pagkukuhanan nila ng lakas at pag-asa.

Masuwerteng numero; 6,16,17,20

BAKA (OX)

Mananatili ka sa loob ng bahay kasama ang iyong pamilya. May matutuklasan kang isang lihim na matagal na nilang itinatago sa’yo. Pero sa halip na magalit ay ipagkikibit balikat mo na lang ito dahil mas nakatuon ang pansin mo sa kasalukuyang problema.

Masuwerteng numero; 7,11,13,20

TIGRE (TIGRE)

Sa kabila ng hindi magandang sitwasyon na kinakaharap ay mananatili kang positibo. Kahit na gusto mo na ring magpanic tulad ng iba ay mas mangingibabaw sa’yo ang pagkalma para makapag-isip ng maayos at makapgdesisyon ng tama.

Masuwerteng numero; 5,10,20,23

KUNEHO (RABBIT)

Mawawalan ka ng interes sa isang aktibidad na dati mo ng ginagawa. Ito ay dahil sa wala ka ng nakikitang kagandahan na maidudulot nito sa’yo. Maghahanap ka ng panibago na mas interesante at kapaki-pakinabang.

Masuwerteng numero; 30,35,39,42

DRAGON (DRAGON)

Sa gitna ng malaking problemang kinakaharp ng bansa ay mananatili ang komunikasyon mo sa mga mahal sa buhay. Gayunpaman ay hindi mawawala o mababawasan man lang ang pag-aalala mo sa kanilang kalagayan.

Masuwerteng numero; 51,53,68,69

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng labis na hinanakit sa iyong karelasyon dahil sa palagay mo ay binabalewala lang nito ang mga problemang kinakaharap ng inyong relasyon. Kaya naman tatabangan ka sa kanya at hindi mo makokontrol ang inis.

Masuwerteng numero; 50,54,61,62

KABAYO (HORSE)

Hindi pa ito ang tamang panahon para ipilit mo ang isang bagay na alam mo namang hindi pa pwede. Mas makakabuti kung itutuon mo muna ang pansin mo sa mga mas mahahalagang bagay na may kaugnayan sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 7,17,20,22

TUPA (SHEEP)

Hindi magiging madali ang pagpapatuloy ng iyong negosyo dahil sa paglaganap ng nakakahawang sakit. Subalit mananatili itong bukas para sa lahat lalo na sa mga nangangailangan. Mangingibabaw sa’yo ang pagtulong sa iba.

Masuwerteng numero; 59,64,67,74

UNGGOY (MONKEY)

Tuloy ang trabaho mo sa kabila ng hindi magandang sitwasyon ng bansa. Masuwerte ang mga gaya mong nasa bahay lamang ang trabaho. Gayunpaman,hindi mo pa rin maiwasan ang hindi mag-alala sa kinabukasan.

Masuwerteng numero; 2,5,7,8

TANDANG (ROOSTER)

Magwawakas ang ugnayan mo sa isang tao na mahalaga sa’yo dahil sa isang hindi magandang pangyayari na mamamagitan sa inyo. Kahit hindi mo ito gusto ay wala kang magagawa kundi tanggapin ang inyong pagdaraanan.

Masuwerteng numero; 45,46,54,57

ASO (DOG)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga pinaghirapan mo nitong mga nakaraang araw dahil ang lahat ng ito ay magagamit mo ngayon sa bahay. Ang kailangan mo na lang gawin ay pag-ingatan ito at ang iyong buong pamilya.

Masuwerteng numero; 71,72,75,80

BABOY (PIG)

Mananatili kang positibo sa kabila ng mga nangyayaring hindi maganda sa paligid. Tuloy lang ang buhay. wala kang planong sumuway sa mga kautusan mula sa gobyerno dahil mahalaga sa’yo ang iyong buhay at buhay ng iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 45.54,57,58

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.