27.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 16, 2024

DAGA (RAT)

Mahihirapan kang lusutan ang byaheng tatahakin mo ngayong araw na ito. Magngingitngit ka sa inis subalit wala ka pa ring magagawa kundi ang sumunod sa iiral na proseso. Kailangan mong habaan ang iyong pasensya.

Masuwerteng numero; 8,19,20,23

BAKA (OX)

Walang mababago sa kalagayan nyo ngayon ng iyong pamilya. Ang lahat ng inyong takot ay mananatili lang sa inyong isip subalit walang dapat ipag-alala dahil nasa inyo lahat ang mga kailangan at magiging maayos ang bawat oras na lilipas para sa inyo.

Masuwerteng numero; 34,35,46,47

TIGRE (TIGER)

Panahon na upang bigyang pansin mo naman ang iyong pag-eehersisyo. Hindi makakabuti sa’yo ang patuloy mong pagbabalewala rito. Kailangan mong i-motivate ang sarili sa anumang paraan na maisip mo.

Masuwerteng numero; 11,12,13,20

KUNEHO (RABBIT)

Makakaramdam ka ng tila balewala ka sa kanya. Pero ang lahat ng ito ay itatago mo lang sa isip mo. Hindi mo makakayang komprontahin siya o sabihin sa kanya ang iyong pagdaramdam dahil ayaw mong mamisinterpret ka niya.

Masuwerteng numero; 50,56,61,63

DRAGON (DRAGON)

Hindi swak sa’yo ang negosyong hinahawakan mo. Ngayong araw ay mapapaisip ka rin kung bakit parang lagi kang tinatamad sa pag-aasikaso nito. Ibig sabihin lang  na hindi talaga ito ang linya na nababagay sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,9,19,20

AHAS (SNAKE)

Iwasan ang matataong lugar. Hindi lang dahil sa lumalaganap na virus kundi lapitin ka rin ngayon ng mga taong manloloko. Yung mga tipo ng tao na sa kabila ng pinagdaraanang pagsubok ng bansa ay nakukuha pang manlamang sa kapwa.

Masuwerteng numero; 17,22,24,25

KABAYO (HORSE)

Dalawang tao ang parehong mangangailangan ng iyong tulong. Pareho silang malapit sa’yo pero isa lamang sa kanila ang makakaya mong tulungan. Mahihirapan kang magdesisyon kung sino sa kanila ang pipiliin mo.

Masuwerteng numero; 30,33,36,40

TUPA (SHEEP)

Isang kaibigan ang magtatapat sa’yo ng tunay na nangyayari sa kanya sa loob ng kanilang pamamahay. Hindi mo ito inaasahan. Kaya naman makakaramdam ka ng awa sa kanya pero sa sitwasyon mo ay wala ka ring maitutulong.

Masuwerteng numero; 17,20,21,24

UNGGOY (MONKEY)

Ang tao na dating naiinis sa’yo at hindi ka gusto ay kusang lalapit sa’yo ngayon. Hindi mo alam kung ano ang kanyang motibo o intensyon sa biglaan niyang pagbabago ng trato sa’yo. Mananatili kang makikiramdam.

Masuwerteng numero; 1,3,4,6

TANDANG (ROOSTER)

Ikaw ang mag-aadjust ngayon sa inyong relasyon dahil ayaw mong magkaroon ng malalang hidwaan o hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng iyong karelasyon at mga kamag-anak mo. Kahit mahirap ay susubukan mo.

Masuwerteng numero; 7,17,27,30

ASO (DOG)

Ngayon mo mare-realize ang halaga ng isang tao sa paglayo niya sa’yo. Medyo matagal na rin siyang hindi nagpapakita o nagpaparamdam man lang kaya magsisimula na ang pagka-miss mo sa kanya. Hindi mo ito mapipigilan.

Masuwerteng numero; 41,43,54,58

BABOY (PIG)

Isang bagong kakilala ang muling magpapatibok ng puso mo. Ang kilig na matagal mo ng hindi nararamdaman ay muli mong mararanasan. Pero sa dinami-rami ng tao ay isang tao pa na hindi na available para sa’yo.

Masuwerteng numero; 62,67,70,75

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.