30 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 15, 2024

DAGA (RAT)

Hindi magiging madali sa’yo na kausapin ang isang taong alam na alam mo namang ayaw sa’yo. Pero kailangan mo itong gawin dahil nasa kanya ang kailangan mo. Mas makakabuti kung mag-iisip ng strategy.

Masuwerteng numero; 8,13,20,22

BAKA (OX)

May magpaparamdam sa’yo bago matapos ang araw na ito. Isa sa mga taong naging bahagi ng iyong nakaraan. Dahil dito ay magkakaroon ka ng pagkalito sa iyong damdamin. Magrelax at huwag itong pagtuunan ng pansin.

Masuwerteng numero; 34,35,39,40

TIGRE (TIGER)

Makakaramdam ka ng matinding pananakit ng ulo. Huwag kang masyadong mag-alala. Kailangan mo lang ng gamot at mahaba-habang oras ng pahinga at bubuti rin ang iyong pakiramdam. Kumain ng masustansya.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

KUNEHO (RABBIT)

Iwasang magpanic dahil hindi ito makakatulong sa kinakaharap mong problema. Sa halip na magpanic ay pilitin na ikalma ang sarili. Sa ganitong paraan ay mas makakaisip ka ng mabuting solusyon. Gawin mo ito para sa mga umaasa sa’yo.

Masuwerteng numero; 44,46,52,53

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka mabibigo sa araw na ito. Bagamat hindi mangyayari ang eksaktong inaasahan mo ay sa’yo pa rin papabor ang mga magiging kaganapan. Hindi mo ito dapat ipagmalaki o ipagmayabang kahit na kanino lalo na sa talunan.

Masuwerteng numero; 1,2,4,5

AHAS (SNAKE)

May magandang balita kang matatanggap mula sa isang kasama sa trabaho. Labis mo itong ikakatuwa kahit na medyo matagal pa bago ito mangyari. At least magkakaroon ka na ng pag-asa kaugnay sa hinahangad na posisyon.

Masuwerteng numero; 6,17,18,23

KABAYO (HORSE)

Kung meron mang tao na kailangang magtiis ngayon ay ikaw ‘yon. Para sa kapakanan ng sarili mong pamilya ay gagawin mo ang lahat. Yayakapin mo ang bago mong trabaho gaano man ito maging mahirap para sa’yo.

Masuwerteng numero; 9,11,12,15

TUPA (SHEEP)

Dahil malapit sa’yo ang tao na mag-aalok ay madali ka niyang makukumbinsi. Subalit ito ay magdudulot sa’yo ng problema nang hindi mo inaasahan. Huli na ang lahat bago ka pa makapagdesisyon na umatras kaya siguradong sasakit ang ulo mo.

Masuwerteng numero; 60,61,65,69

UNGGOY (MONKEY)

Magiging smooth sailing ang lahat ng may kinalaman sa iyong trabaho. Maayos mong magagampanan ang iyong tungkulin. Kahit pa may napakawalan kang oportunidad ay hindi mo na ito mapapansin sa dami ng blessings na nasa harapan mo ngayon.

Masuwerteng numero; 27,28,30,33

TANDANG (ROOSTER)

Mabibili mo na rin ngayon sa wakas ang isang bagay na matagal mo ng gustong magkaroon. Kahit pa ito ay medyo may kamahalan pikit mata mo pa rin itong bibilhin dahil ngayon lang ang magandang pagkakataon para sa’yo.

Masuwerteng numero; 7,9,11,13

ASO (DOG)

Dahil takot ka pang lumabas at kanselado rin naman ang lahat ng lakad mo kaya ang buong maghapon ay maigugugol mo sa loob ng tahanan. Marami kang magagawa at magiging madali ito kung iisa-isahin mo at hindi pagsasabay sabayin.

Masuwerteng numero; 28,30,34,37

BABOY (PIG)

Wala ka ng aalalahanin pa sa mga kamag-anak na nasa hindi safe na lugar sa kasalukuyan. Bagamat ang kanilang lugar ay nahaharap sa malaking pagsubok ay mananatili silang ligtas. Kaya nilang proteksyunan ang kanilang sarili.

Masuwerteng numero; 40,41,53,55

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.