32.3 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 13, 2024

DAGA (RAT)

Ang atensyon mo ay pansamantalang matutuon sa loob ng bahay. Marami kang matatapos na gawain kahit pa maaabala ka rin sa pagharap mo sa social media. Magiging produktibo ka pa rin sa kabuuan ng maghapon.

Masuwerteng numero; 14,24,30,31

BAKA (OX)

Kahit na gusto mong ipagtanggol ang isang taong malapit sa’yo at pagtakpan ang kanyang maling nagawa ay mahihirapan ka. Malinaw na malinaw ang nagawa niyang kasalanan kaya wala kang ibang magagawa kundi damayan na lang siya at pagsabihan na rin.

Masuwerteng numero; 7,8,11,12

TIGRE (TIGER)

Hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo sa taong nagbibigay sa’yo ng inspirasyon ang tunay na damdamin mo para sa kanya. Pero hindi mo na makokontrol ang iyong sarili kaya naman maisisiwalat mo ito ng wala sa oras.

Masuwerteng numero; 26,36,38,40

KUNEHO (RABBIT)

May lugar kang babalikan ngayong araw na ito. Sa muli mong pagtapak sa lugar ay maaalala mo ang lahat sa iyong nakaraan. Kasama na roon ang masasaya at mapapait na alaala. Gayunpaman, magiging masarap ito sa iyong pakiramdam dahil napagdaanan mo na.

Masuwerteng numero; 19,20,22,24

DRAGON (DRAGON)

Kahit may nabuo ka ng pasya sa iyong isipan ay kakailanganin mo pa ulit itong pag-isipan. Hindi ka maaaring magkamali ng pagdedesisyon dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng iyong buong pamilya na umaasa sa’yo.

Masuwerteng numero; 52,56,60,61

AHAS (SNAKE)

Hindi mo magagawang ipagsawalang bahala ang kaguluhang nangyayari ngayon sa iyong pamilya. Pero bago ka magbitaw ng salita at bago magbitaw ng aksyon ay siguraduhin mo munang natimbang mo na ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 60,67,69,71

KABAYO (HORSE)

Kahit na gustong gusto mo ang isang bagay na iyong hiniram ay mapipilitan kang isoli ito. Wala sa iyong pagkatao ang kumukuha ng hindi mo sariling gamit subalit isa lang ang nasisiguro mo, hihiramin mo ito ulit hangga’t hindi ka pa nakakabili ng iyo.

Masuwerteng numero; 32,33,45,47

TUPA (SHEEP)

Isang hindi inaasahang tao ang kakatok sa iyong pintuan upang ipagbigay alam sa’yo ang isang mahalagang impormasyon. Hindi mo agad ito mapapaniwalaan subalit ihaharap niya sa’yo ang kanyang ebidensya.

Masuwerteng numero; 20,20,31,34

UNGGOY (MONKEY)

Kasasabikan mo ang pagdating ng isang bisita. Pero hindi tulad ng iyong inaasahan, wala kang mapapala sa kanya kundi ang mga kuwentong paulit-ulit na niyang nasabi sa’yo. Kaya naman para sa’yo ay boring lang ang kanyang pagbisita.

Masuwerteng numero; 6,9,10,11

TANDANG (ROOSTER)

Mananatiling hindi maganda ang pakikitungo sa’yo ng iyong biyenan. Kahit pa sanay ka na sa kagaspangan ng kanyang ugali ay hindi mo pa rin maiiwasan ang masaktan sa mga salitang lalabas sa kanyang bibig.

Masuwerteng numero; 18,19,20,30

ASO (DOG)

Kung meron ka mang tao na dapat iwasan ay alam na alam mo na kung sino ito. Pero patuloy ka pa ring magbubulag bulagan. Mas bibigyan mo pa rin ng halaga ang iyong nararamdaman kaysa sa sasabihin ng mga tao sa paligid mo.

Masuwerteng numero; 27,37,38,40

BABOY (PIG)

Ang matagal nyo ng plano para sa araw na ito ay hindi na matutuloy. Magiging malabo ito dahil sa virus na patuloy na lumalaganap. Mahalaga sa inyo ang buhay at kalusugan ng isa’t-isa kaysa panandaliang kasiyahan.

Masuwerteng numero; 45,46,58,59

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.