26.7 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 12, 2024

DAGA (RAT)

Mailap man ang suwerte sa ngayon ay hindi rin ito magtatagal. Wala ng makakapigil sa pagdating ng suwerte mo konting panahon na lang. Kailangan mo lang habaan pa ang iyong pasensya at pagtitiis sa kasalukuyan.

Masuwerteng numero; 9,19,20,22

BAKA (OX)

Dahil sa magkaiba ninyong paniniwala ng iyong mahal tungkol sa isang bagay ay hindi maiiwasan na magkaroon kayo ng pagtatalo tungkol dito. Isang maliit na pagdedebate na maaaring mauwi sa pikunan sa huli.

Masuwerteng numero; 8,12,13,15

TIGRE (TIGER)

Malaki ang pag-asa na magkaayos pa kayo ng isang kaanak na nakaalitan mo ng matindi. Hindi man ngayong araw na ito ay asahan mo na malapit na. Pareho nyo itong pinag-iisipan at naghahanap lamang ng tamang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 45,48,49,52

KUNEHO (RABBIT)

Kasasabikan mo ang pagdating ng iyong mahal na mula sa malayo. Sa tagal ng panahon na hindi nyo pagkikita, kung kailan konting oras na lang ay saka ka pa makakaramdam ng labis na pagkainip. Yung pakiramdam na napakabagal ng ikot ng orasan.

Masuwerteng numero; 10,14,25,27

DRAGON (DRAGON)

Isang kaibigan ang lalapit sa’yo para humingi ng tulong dahil sa kinakaharap niyang problema ngayon. Ang problema ay kasalukuyan ka ring nasa hindi magandang sitwasyon kaya gustuhin mo man ay wala ka pang maitutulong.

Masuwerteng numero; 33,35,39,40

AHAS (SNAKE)

Inaasahan mong hindi magiging maganda ang takbo ng negosyo mo ngayong araw dahil sa kumakalat na virus. Pero magugulat ka dahil mas magiging mabenta ka ngayon at magiging magaan ang pasok ng pera sa iyong kaha.

Masuwerteng numero; 28,29,33,36

KABAYO (HORSE)

Ngayong araw ay hahayaan mo muna ang sarili mo na ma-enjoy ang pagpapahinga. Wala kang gustong isipin kundi kung papaano mo mauubos ang oras sa pagrerelax. Kahit isang araw ay ayaw mo munang mag-isip ng stress.

Masuwerteng numero; 54,58,61,63

TUPA (SHEEP)

Mawawalan ka ng oras na gawin ang isang importanteng bagay sa loob ng bahay dahil hindi mo magagawang tanggihan ang isang kaibigan na mag-aaya sa’yong lumabas sa kabila ng banta ng corona virus.

Masuwerteng numero; 9,10,11,12

UNGGOY (MONKEY)

Magiging maayos na ang lahat sa iyong trabaho. Ang isa sa mga tinanggap mong proyekto na siyang laging nagbibigay ng stress sa’yo ay mawawala na rin sa wakas. Hindi mo ito dapat panghinayangan dahil ginawa mo naman ang best mo.

Masuwerteng numero; 8,18,22,33

TANDANG (ROOSTER)

Isang kamag-anak na nasa malayo ang nakatakdang mamaalam ngayong araw. Natural lamang na maghatid ito ng kalungkutan sa inyong pamilya. Sa kabila nito ay magpapatuloy ang araw-araw ninyong routine.

Masuwerteng numero; 41,42,56,57

ASO (DOG)

Sa gagawin mong pag-iwas at tuluyang paglayo sa isang tao ay ikaw din ang unang unang masasaktan. Pero alam mo na kailangan mong gawin alang-alang sa ikapapanatag ng lahat at para na rin sa sarili mong katahimikan.

Masuwerteng numero; 7,9,14,17

BABOY (PIG)

Magiging komportable ka ngayon sa piling ng iyong mahal at buong pamilya. Ang maghapong ito ay magsisimula at matatapos sa piling ng isa’t-isa. Bihira itong mangyari kaya dapat lang na enjoyin ang bawat sandaling lilipas.

Masuwerteng numero; 8,12,14,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.