26.7 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 11, 2024

DAGA (RAT)

Walang malayong lugar sa taong nagmamahal. Iyan ang mapapatunayan mo ngayon sa iyong minamahal. Hindi magiging hadlang o dahilan ang layo ng lugar sa pagitan nyo sa halip ay patitibayin pa nito ang inyong relasyon.

Masuwerteng  numero; 12,15,20,22

BAKA (OX)

Hindi sasapat ang ilang oras na bonding nyo ng mga kaibigan para masulit nyo ang bihirang araw na ito ng inyong pagkikita. Gayunpaman ay walang uuwi na hindi masaya. Lahat kayo ay mag-eenjoy ng sobra sobra.

Masuwerteng numero; 9,19,30,34

TIGRE (TIGER)

Medyo may kaalatan ang araw mo ngayon sa negosyo. Hindi mangyayari ang inaasahan mo na pagdagsa ng mga customers. Gayunpaman ay hindi nito mababago ang magandang mood mo dahil mananatili sa tabi ang tao na nagbibigay ng inspirasyon sa’yo.

Masuwerteng numero; 3,5,16,17

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang malalaman na kahit ano sa taong mapipili mong tanungin. Tikom ang bibig niya sa kung anuman ang gusto mong malaman. Kahit na anong pilit mo ay hindi siya magsasalita dahil mas matimbang sa kanya ang taong sangkot dito.

Masuwerteng numero; 45,46,59,60

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka magiging maingat sa pagsasalita. Kaya naman ang mga salitang lalabas sa iyong bibig ay tila isang sibat na tutusok sa isang tao na matatamaan. Pero wala kang balak na bawiin ang iyong sinabi na pinaniniwalaan mong totoo.

Masuwerteng numero; 38,40,42,50

AHAS (SNAKE)

Malilito ka sa ipapakita sa’yo ng isang tao. Malinaw naman sa’yo na hindi ka niya gusto pero sa pagkakataong ito ay siya pa mismo ang kusang lalapit sa’yo at mag-aalok ng isang bagay na hindi mo matatanggihan.

Masuwerteng numero; 33,35,46,48

KABAYO (HORSE)

Kung ikaw ang tatanungin ay alam na alam mo na sa sarili mo kung ano ang isasagot mo sa isang katanungan. Subalit hindi ikaw ang nasa posisyon ng isang tao at nakasalalay sa kanya ang magiging sitwasyon nyo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 69,70,72,74

TUPA (SHEEP)

May isang mahalagang bagay kang matatanggap mula sa iyong kaanak. Dapat mo itong ipagpasalamat sa kanya dahil makaing tulong ito sa’yo. Hindi mo kailangang bigyang pansin ang komento ng iba pang kaanak.

Masuwerteng numero; 10,13,24,26

UNGGOY (MONKEY)

Hindi maaaksaya ang oras mo sa pagbisita sa isang dating kaibigan.Marami kang malalaman tungkol sa kanya na kapupulutan mo ng aral. May magandang oportunidad din siyang mababanggit sa’yo na maaari mong pag-isipan.

Masuwerteng numero; 20,21,26,28

TANDANG (ROOSTER)

Isang paborableng pagkakataon ang araw na ito para sa’yo at sa iyong kapareha. Magkakaroon kayo ng sapat na oras para sa isa’t-isa. Magagawa nyo ng malaya anuman ang gusto ninyong gawin na walang mang-iistorbo.

Masuwerteng numero; 43,48,52,59

ASO (DOG)

Kakailanganin mong pag-isipan ng mabuti ang bawat hakbang bago mo ito isagawa. May ilang papabor para sa’yo sa inyong grupo subalit meron ding mga kokontra. Kailangan mong manatili sa gitna hangga’t wala kang final na pagpapasya.

Masuwerteng numero; 18,19,30,31

BABOY (PIG)

Dahil sa tagal mong magdesisyon ay maiiwanan ka sa ere ng iyong mga kaibigan. Hindi sila mag-aaksaya ng oras para maghintay sa’yo dahil mahalaga ang bawat segundong lumilipas para sa kanila. Walang buting idudulot ang iyong kakuparan.

Masuwerteng  numero; 10,11,18,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.