33.9 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Marso 10, 2024

DAGA (RAT)

Isang mabilisang pagpapasya ang gagawin mo sa araw na ito dahil meron kang gustong isalba. Sa kabila ng mga kokontra sa’yo ay paninindigan mo pa rin kung ano na ang iyong napagdesisyunan hanggang sa huli.

Masuwerteng numero; 7,12,13,20

BAKA (OX)

Yung inaakala mong magiging boring na pagtitipon ay magkakamali ka. Mapupuno ng saya ang bawat oras na lilipas. Maging ang tao na inaakala mong hindi makikijoin at magiging kj ay magpapakitang gilas din.

Masuwerteng numero; 19,22,33,35

TIGRE (TIGER)

Sa ngayon ay wala ka pang aasahan sa kanya. Hindi mo pa maaasahan na susundin niya ang lahat ng gusto mong mangyari sa inyong relasyon. Ang kanyang atensyon ay mas nakatuon pa sa kanyang trabaho.

Masuwerteng numero; 7,18,19,30

KUNEHO (RABBIT)

Ikakawindang mo ang malalaman mong hindi kagandahang balita tungkol sa isang kaibigan na lumayo para magtrabaho. Pero wala ka sa lugar para makialam sa kanyang sitwasyon lalo na at wala ka naman sa kanyang posisyon.

Masuwerteng numero; 7,9,21,26

DRAGON (DRAGON)

May sorpresa kang matatanggap mula sa iyong kapatid. Hindi siya ang tipo ng kapatid na showy kaya ikakagulat mo talaga ang inihanda niyang sorpresa para sa’yo. Maaappreciate mo ito ng sobra sobra at ipagpapasalamat mo ito sa kanya.

Masuwerteng numero; 34,36,40,42

AHAS (SNAKE)

Hindi ka kukulangin ng tiwala sa isang tao na malapit sa’yo, subalit siya ang magkukulang. Gayunpaman, ang kanyang magagawang pagkakamali ngayon ay hindi magiging sapat na dahilan para siya ay iyong talikuran.

Masuwerteng numero; 54,57,67,68

KABAYO (HORSE)

Gaano man katagal at kalala ang inyong naging hidwaan ay sa pagkakaayos pa rin ito mauuwi. Subalit hindi mo man lubos maisip ay sa’yo pa rin manggagaling ang unang move para sa muli ninyong pagkakaunawaan.

Masuwerteng numero; 30,31,43,46

TUPA (SHEEP)

Hindi mo mapapangatawanan ang sinabi mo sa iyong boss. Kulang ka pa sa lakas, kakayahan at karanasan. Dapat mong tanggapin na kakailanganin mo pa ng sapat na panahon para mapanindigan ang nais mong patunayan.

Masuwerteng numero; 28,30,32,39

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng lihim na pagdaramdam sa isang kaibigan na makakagawa sa’yo ng isang pagkakamali. Pero wala kang balak na sabihin ito sa kanya sa halip ay mas pipiliin mo na kimkimin na lang ito.

Masuwerteng numero; 40,42,53,55

TANDANG (ROOSTER)

May mababago sa buhay mo na magsisimula ngayong araw dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari. Kahit na anong pilit mo na pigilan ito ay wala kang magagawa. Matatangay ka pa rin sa lakas ng agos sa iyong buhay.

Masuwerteng numero; 8,18,19,23

ASO (DOG)

Isang mahalagang okasyon ang makakalimutan mo ngayong araw. Magiging dahilan ito para  magtampo sa’yo ang iyong mahal. Mahihirapan kang paglubagin ang kanyang loob dahil mahalaga sa kanya ang okasyon na iyong malilimutan.

Masuwerteng numero; 9,10,11,13

BABOY (PIG)

Hindi mo na makakayang itago ang iyong damdamin kaya naman magpapasya ka na sabihin na ito sa kanya. Maghahanap ka ng magandang tiyempo ngayong araw pero mahihirapan kang makahanap ng perfect timing.

Masuwerteng numero; 25,35,37,39

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.