27.7 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 9, 2024

DAGA (RAT)

Mapapasubo ka sa isang hindi inaasahang kompromiso dahil sa pakikialam mo sa isang usapin na hindi mo na dapat pang pinanghimasukan. Kaya ngayong araw ay mamomoroblema ka kung paano malalabasan ang sitwasyon.

Masuwerteng numero; 7,8,19,20

BAKA (OX)

Sa araw na ito ay nakatakda kayong magkaayos ng isang kaibigan na matagal na panahon mo ring hindi nakaintindihan. Ang dahilan ng hindi nyo pagkakaunawaan ay muling mabubuksan, mapag-uusapan at maaayos.

Masuwerteng numero; 6,12,18,24

TIGRE (TIGER)

Kakaharapin mo ngayon ang nakakabugnot at napakahirap na sitwasyon sa transportasyon. Subalit kahit na gaano pa ito maging mahirap para sa’yo ay wala kang ibang mapagpipilian kundi suungin ito makarating lang sa iyong destinasyon.

Masuwerteng numero; 30,35,46,47

KUNEHO (RABBIT)

Sa buong maghapong ito ay pag-iisipan mo kung paano pa mapapalawig ang iyong negosyo sa online. Gusto mong makapag-isip ng kakaibang diskarte na hindi mo pa nakikita sa iba at magiging patok sa mga customers mo.

Masuwerteng numero; 17,23,25,28

DRAGON (DRAGON)

Malakas ang positibong pwersa mo ngayong araw kaya marami kang maaakit na suwerte papasok sa inyong tahanan. Bubuhos ang mga biyayang hindi inaasahan. Ikakabigla mo ito at ikakasiya hanggang sa mga susunod na araw.

Masuwerteng numero; 4,5,11,13

AHAS (SNAKE)

Ang pananahimik mo sa bahay ay maaabala sa pagdating ng isang kamag-anak. Yung mga oras na dapat sana ay para sa gawaing bahay ay matutuon sa pakikipag-usap mo sa kanya tungkol sa mga bagay na dati nyo ng napag-usapan.

Masuwerteng numero; 17,20,30,42

KABAYO (HORSE)

Tatanggihan mo ang isang oportunidad na kakatok ngayon sa iyong pintuan. Hindi dahil sa ayaw mo nito o hindi fit sa iyong kakayahan, ang dahilan ay marami ka ng naunang tinanggap at hindi na ito kakayanin pa ng oras mo.

Masuwerteng numero; 46,49,50,55

TUPA (SHEEP)

Mapapagalitan ka ng iyong boss dahil sa isang bagay na hindi ikaw ang gumawa. Dahil dito ay magkakaroon kayo ng pagtatalo tungkol dito at hindi maiiwasan na maging mitsa ito ng pagkatanggal mo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 9,10,19,20

UNGGOY (MONKEY)

Mapipilitan ka na kausapin ang nakatataas sa iyong trabaho para mabago ang proyektong kasalukuyan mong hinahawakan ngayon. Sa iyong palagay ay hindi ito nararapat para sa’yo kaya susubukan mong makiusap upang mapalitan ito.

Masuwerteng numero; 45,58,60,61

TANDANG (ROOSTER)

Kahit na anong kayod mo sa trabaho ay hindi ka pa rin makakaluwag. Hindi pa rin sasapat ang iyong kita para matustusan ang lahat ng pangangailangan ng iyong pamilya kaya maghahanap ka pa ng ibang sideline.

Masuwerteng numero; 21,31,33,35

ASO (DOG)

Dahil sa delikadesa ay bibitawan mo ang isang proyekto na alam mong hindi nararapat sa’yo. Bukal sa puso mong ibibigay ito sa tao na mas magaling sa’yo sa larangang ito at maghahanap na lang ng panibago.

Masuwerteng numero; 40,47,59,68

BABOY (PIG)

Isang bagong skill ang matutuklasan mo sa iyong sarili dahil sa kawalan ng magawa ngayong araw na ito. Ikatutuwa mo ito kaya pag-iisipan mo kung paano mo ito mapaghuhusay at mapapakinabangan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 16,24,35,37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.