28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 8, 2024

DAGA (RAT)

Hanggang ngayon ay maiisip mo pa rin ang kalagayan ng isang tao na malapit sa’yo at kasalukuyang nasa malayong lugar para makipagsapalaran. Patuloy kang mag-aalala sa sitwasyon na posible niyang kaharapin.

Masuwerteng numero; 18,20,28,34

BAKA (OX)

Makakaramdam ka ng panliliit sa sarili dahil magiging seen mode ka lang sa isang tao na mataas ang paghanga at pagrespeto mo. Dahil sa kawalan niya ng interes sa iyong mensahe at hindi man lang pagreply ay mababawasan ang paghanga mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 13,24,25,27

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng hindi magandang panaginip sa nagdaang gabi ay kabaligtaran naman nito ang umagang sasalubong sa’yo. Maaliwalas at puno ng pag-asa ang bawat oras na lilipas kasama ang iyong buong pamilya.

Masuwerteng numero; 46,49,52,53

KUNEHO (RABBIT)

Dahil sa tagal ng hindi ipinasok sa trabaho ay mangangapa ka at makakagawa ng pagkakamali. Subalit wala kang masyadong ipag-aalala dahil may tao na aalalay sa’yo para agad mong maiayos ang iyong pagkakamali.

Masuwerteng numero; 9,13,14,15

DRAGON (DRAGON)

Mabilis kang makakarecover mula sa pagkakalugmok nitong mga nagdaang buwan. Ayaw mo na ulit maranasan na halos mamalimos sa mga kamag-anak mo kaya uumpisahan mo nang baguhin ang sariling buhay.

Masuwerteng numero; 9,20,22,33

AHAS (SNAKE)

Hindi ikaw ang tipo ng tao na madaling makumbinsi. Madalas ay humihingi ka muna ng pruweba at ebidensya bago ka maniwala. Taliwas sa mangyayari ngayon na walang kahirap hirap kang makukumbinsi ng isang tao na para kang nahipnotismo.

Masuwerteng numero; 56,57,68,69

KABAYO (HORSE)

Ngayon na ang araw na maiisip mong pagbigyan ang kahilingan ng iyong kapareha sa buhay. Kahit na alam mo na hindi ito magiging madali para sa’yo ay magdedesisyon ka pa ring gawin para patunayan sa kanya ang iyong pagmamahal.

Masuwerteng numero; 7,18,25,26

TUPA (SHEEP)

Hindi mo gusto na makipagkompetensya sa kahit na kanino, lalo na sa isang kaibigan. Pero wala kang mapagpipilian lalo na kung siya na mismo ang maghahamon sa iyo. Mapipilitan kang lumaban pero sisiguruhin mong ito ay magiging patas.

Masuwerteng numero; 5,15,20,21

UNGGOY (MONKEY)

Mahihirapan kang intindihin ang ipagmamarakulyo ng isang miyembro ng pamilya. Subalit sisikapin mo pa rin siyang unawain. Sa halip na mainis ay tutuklasin mo ang puno’t dulo ng bagay na bumabagabag sa kanya.

Masuwerteng numero; 8,17,35,37

TANDANG (ROOSTER)

Marami kang dapat ayusin sa bago mong trabaho kaya mawawalan ka ng panahon sa social media. Mapapabayaan mo na rin ang pagiging online seller kaya sa araw ding ito ay magpapasya kang bitawan ito.

Masuwerteng numero; 40,50,51,64

ASO (DOG)

Ang mga taong iniisip mo na masasandalan mo ngayon ay walang maitutulong sa’yo. Sa halip, kung sino pa ang hindi mo inaasahan ang siya mo lang maaasahan sa panahong ito na kailangang kailangan mo ng karamay.

Masuwerteng numero; 32,33,36,48

BABOY (PIG)

Magkakaroon ka ng problema sa bago mong papasukang trabaho. Bagamat inaasahan mo na ito ay mahihirapan ka pa rin. Pero hindi mo ito maiiwasan kaya sa ayaw at sa gusto mo ay haharapin mo ito ng buong tapang at lakas ng loob.

Masuwerteng numero; 7,11,14,16

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.