28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 7, 2024

DAGA (RAT)

Ang pag-abuso ng isang tao sa kabutihan mo ay mabibigyan na ng katarungan ngayon. Aanihin niya ang bunga ng nagawa niyang pagkakamali. Dahil dito ay makakahinga ka na ng maluwag at magkakaroon na ng kapanatagan.

Masuwerteng numero; 17,20,34,35

BAKA (OX)

Aaminin mo ngayon sa sarili mo na hindi mo pa kakayaning kumilos ng mag-isa. Kakailanganin mo pa ang tulong ng mga taong tunay na nagmamalasakit sa’yo. Kaya naman mananatili ka munang nakikisama sa kanila.

Masuwerteng numero; 8,19,22,33

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng mga pagsubok na hinaharap mo ngayon ay mananatili kang matatag at lumalaban. Ang mag-uudyok sa’yo ay ang sarili mong pamilya na kailangan mong suportahan at protektahan sa bawat araw na lilipas.

Masuwerteng numero; 56,58,60,69

KUNEHO (RABBIT)

Pansamantala mo munang ipagsasawalang bahala ang iba pang gawain na walang kinalaman sa inyong kabuhayan. Priority mo ngayon ang pagkakakitaan kaya dito mo muna ibubuhos ang iyong atensyon para sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 42,43,57,58

DRAGON (DRAGON)

Manggagalaiti ka sa galit sa isang tao dahil sa mababalitaan mo na pinagkakalat niya tungkol sa’yo. Para sa’yo isa itong maling paratang at panghuhusga lamang kaya lilinisin mo ang iyong pangalan kahit na anong mangyari.

Masuwerteng numero; 20,25,26,30

AHAS (SNAKE)

Kusa kang lalapitan ng suwerte sa araw na ito. May pagkakataon ka para ibahagi ito sa iba subalit pipiliin mo na lang muna na itabi ito at ilaan sa mas makabuluhang pagkakagastusan na inaasahan mo ngayong buwan.

Masuwerteng numero; 8,11,13,25

KABAYO (HORSE)

Maganda ang magiging takbo ng iyong online business sa araw na ito. Makakatagpo ka ng mga matitinong clients na maaasahan mo. Dahil dito ay lalo ka pang gaganahan na ipursige ang iyong mga produkto.

Masuwerteng numero; 34,36,40,49

TUPA (SHEEP)

Hindi papabor sa’yo ang araw na ito. Mas makakabuti kung mananatili na lang muna sa loob ng inyong tahanan upang makaiwas sa gulo sa labas na posible mong kaharapin kung magpipilit ka na lumabas ngayong araw.

Masuwerteng numero; 1,2,5,6

UNGGOY (MONKEY)

Maa-appreciate mo ang tulong ng iyong mga kaibigan ngayong araw. Marami kang matatanggap mula sa kanila. Dahil dito ay tatatak na sila sa puso at isipan mo. Pag-iisipan mo kung paano makakabawi sa kanila balang araw.

Masuwerteng numero; 30,31,42,43

TANDANG (ROOSTER)

Ngayong araw ay may ipagtatapat sa’yong problema ang matalik mong kaibigan. May sama siya ng loob sa isa nyo pang kaibigan na ipagkakatiwala niya sa’yo kaya naman makukuha niya ang simpatya mo. Mararamdaman mo ng totoo ang kanyang nararamdaman.

Masuwerteng numero; 8,19,20,26

ASO (DOG)

Mag-aalala ka sa iyong mga magulang dahil sa kanilang kalagayan. Pero malayo ka sa kanila kaya mag-iisip ka na lang ng paraan kung paano mo sila matutulungan sa kabila ng distansyang namamagitan sa inyo.

Masuwerteng numero; 4,6,16,17

BABOY (PIG)

Maaawa ka sa isang tao na makikita mo lamang sa social media dahil sa kanyang hindi magandang sitwasyon kaya naman gagawin mo ang lahat para makapagpaabot ng tulong sa kanya saan man siya naroon.

Masuwerteng numero; 41,52,59,64

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.