27.7 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 6, 2024

DAGA (RAT)

Labis kang maiirita sa isang kapitbahay pero wala kang magagawa kundi mainis dahil wala kang balak ibaba ang level mo sa mga kagaya niya. Pipilitin mo na lang na ituon ang atensyon mo sa ibang bagay upang mawala ang bad trip mo.

Masuwerteng numero; 8,9,19,20

BAKA (OX)

Mapapasubo ka sa isang kompromiso nang hindi ka handa. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil kahit gaano ka mahirapan ay malulusutan mo pa rin ito. Likas ang galing mo sa pagdiskarte kahit sa gitna ng mahirap na sitwasyon.

Masuwerteng numero; 35,40,42,48

TIGRE (TIGER)

Mauunahan ka ng galit dahil sa makikita mo. Mas mangingibabaw sa’yo ang emosyon kaya naman hindi mo bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag ang mga taong sangkot dito. Wala ka pa sa kondisyon para makinig.

Masuwerteng numero; 1,11,13,24

KUNEHO (RABBIT)

Masaya ang magiging bonding ninyong magkakapatid. Ang mga nawalang oras sa inyo ay susulitin nyo ngayon kahit pa may kulang sa inyo. Marami kayong mapagkukuwentuhan at mapag-uusapang mga makabuluhang bagay.

Masuwerteng numero; 40,51,53,66

DRAGON (DRAGON)

Mapipilitan kang baguhin ang nauna mo ng desisyon dahil maiimpluwensyahan ka ng tao na makakausap mo ngayon. Iisipin mo na ito ang mas makakabuti kaya paniniwalaan mo ang kanyang mga sasabihin.

Masuwerteng numero; 10,20,24,25

AHAS (SNAKE)

Hindi magiging madali ang araw na ito para sa’yo pero kakayanin mo. May masasandalan ka at mapagkukuhanan ng lakas ng loob kaya naman hindi mo susukuan ang mga kinakaharap na paghamon ngayon.

Masuwerteng numero; 16,17,28,32

KABAYO (HORSE)

Ang buong oras at atensyon mo ay matutuon ngayon sa bago mong trabaho. Gusto mo na pagbutihan ito kaya naman magpapakaseryoso ka rito. Ayaw mo ng mawalan ulit ng trabaho at maranasan ang hirap ng pagiging tambay.

Masuwerteng numero; 11,12,20,21

TUPA (SHEEP)

Hindi ka mauubusan ng dahilan sa isang tao na kumukumbinsi sa’yong subukan ang isang negosyo. Wala kang kahilig hilig dito pero bukod sa’yo ay inaawitan niya rin ang taong malapit sa’yo para kumibinsihin ka.

Masuwerteng numero; 4,5,7,9

UNGGOY (MONKEY)

Isang tao ang makikilala mo sa araw na ito na magiging daan para mapasa’yo ang isang malaki at magandang oportunidad. Pero bago mangyari ‘yon ay may kakailanganin ka pang patunayan sa taong ito na iyong makakaharap.

Masuwerteng numero; 44,48,50,53

TANDANG (ROOSTER)

Bilang magulang ay natural lamang na gustuhin mo at pangarapin kung ano ang best para sa iyong anak. Pero sa huli ay siya pa rin ang magdedesisyon para sa kanyang sarili. Wala kang magagawa sa kanyang magiging pasya ngayon.

Masuwerteng numero; 15,17,20,30

ASO (DOG)

Gigising ka ng maaga at magbubuhos ng effort sa araw na ito para makahanap ng trabaho. Pero mabibigo ka lang dahil wala kang makukuha. Kung mahirap maghanap ng trabaho dati ay mas mahirap ngayon sa panahon ng pandemya.

Masuwerteng numero; 17,18,26,32

BABOY (PIG)

Isang bagong recipe sa pagluluto ang matututunan mo sa araw na ito. Ngayon na magsisimula ang hilig mo sa pagluluto kaya naman ang atensyon mo ay mababaling sa pagtuklas pa ng iba’t-ibang recipe sa internet.

Masuwerteng numero; 10,11,13,25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.