28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 11, 2024

DAGA (RAT)

Ang proseso na inaasahan mong magiging mahirap para sa’yo ay magiging madali lang. May mga tao na tutulong sa’yo para mai-submit mo agad ang mga dokumentong kailangan mo nang sa gayon ay hindi ka mahirapan.

Masuwerteng numero; 30,35,40,47

BAKA (OX)

Hindi lahat ng detalye sa iyong plano ay masusunod. Meron pa ring susulpot na mga aberya at hindi mo ito magagawan ng paraan sa araw na ito. Wala ka sa huwisyo ngayon para bigyan ng solusyon ang problemang kakaharapin mo kaugnay nito.

Masuwerteng numero; 16,17,20,23

TIGRE (TIGER)

May mga kukunin kang bagay na mahalaga para sa iyong itatayong negosyo. Subalit ito ay hindi mo makukuha ng madali sa taong nagmamay-ari nito. Kakailanganin mo pa siyang suyuin at kumbinsihin para rito.

Masuwerteng numero; 6,11,18,19

KUNEHO (RABBIT)

Mauudlot ang mga gawain mong naka-schedule ngayong araw dahil sa pagdating ng mga hindi inaasahang bisita. Pero kahit na makaabala sila sa’yo ay may maganda namang idudulot sa’yo ang kanilang pagbisita.

Masuwerteng numero; 40,41,53,54

DRAGON (DRAGON)

Kukulangin ka ngayon ng kumpiyansa sa sarili dahil sa makikita mong galing ng mga bago mong katrabaho. Hindi mo maiintindihan ang iyong sarili gayong alam mo naman na meron ka ring kakayahan na maipagmamalaki.

Masuwerteng numero; 20,25,26,34

AHAS (SNAKE)

Ngayong araw ay mapapatunayan mo na hindi lahat ng iyong tinutulungan ay matutulungan ka rin sa oras ng iyong pangangailangan. Ngayong ikaw ay nasa gitna ng kagipitan wala ring ibang makakatulong sa’yo kundi ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 39,45,48,56

KABAYO (HORSE)

Ikaiirita mo ang mga mababasa mo sa social media na kontra sa iyong paniniwala. Alam mo na hindi mo na ito dapat patulan pero hindi mo pa rin mapipigilan ang iyong sarili na ipahayag ang iyong saloobin ukol dito.

Masuwerteng numero; 38,40,41,52

TUPA (SHEEP)

Mababalewala ang mga nauna mo ng plano dahil sa bagong ideya na papasok sa isip mo ngayon. Kaya back to zero ka at muling sisimulan ang lahat sa pamamagitan ng bago mong plano na siya mong susundin.

Masuwerteng numero; 11,13,25,26

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang mapapala sa isang tao na inaawitan mo ngayon para pagbigyan ka sa hinihiling mong pabor. Sa halip ay gagamitin ka lang niya para sa sarili niyang interes pero sa huli ay maiiwan ka sa ere na hindi mo nakuha ang nais mo.

Masuwerteng numero; 3,4,6,7

TANDANG (ROOSTER)

Dahil sa dami ng nakikita mong positive result sa online selling ay magkakaroon ka na rin ng interes na maging online seller. Susubukan mo na maging bahagi ng malawakang market sa online at aasa sa positibong resulta rin nito sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,19,20,22

ASO (DOG)

Mahihirapan kang hatiin ang oras mo ngayon sa iyong pamilya at sa trabaho dahil sa hirap sa transportasyon na haharapin mo sa araw-araw. Dahil mahaba ang oras na gugugulin mo sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho.

Masuwerteng numero; 12,14,27,35

BABOY (PIG)

Hindi pa babalik sa normal ang buhay nyo ng iyong pamilya tulad ng inaasahan mo. Marami ka pang dapat ayusin lalo na sa inyong kabuhayan na nawala sa inyo sa kasagsagan ng hirap sa panahon ng community quarantine.

Masuwerteng numero; 10,14,15,19

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.