28.2 C
Manila
Wednesday, June 19, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Hunyo 10, 2024

DAGA (RAT)

Mahalaga ang magiging papel mo para sa pagsasaayos ng isang proyekto na pakikinabangan ng marami sa inyong lugar. Kakailanganin mo lang na makipagcooperate sa mga namumuno at pakikinggan din nila ang suggestion mo.

Masuwerteng numero; 15,20,23,25

BAKA (OX)

May mga bagay kang kailangang ayusin sa inyong pagsasama bago mo pagtuunan ng pansin ang inyong pangkabuhayan. Mahalagang maayos mo muna ang sigalot ninyong mag-asawa dahil malaki ang epekto nito sa inyong negosyo.

Masuwerteng numero; 34,45,45,50

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng hirap ng transportasyon ay babawi ka naman sa mga oras na nasa loob ka na ng trabaho. Magiging magaan ang iyong mga gawain. Ang bawat oras na lilipas ay maalwan hanggang sa oras ng uwian.

Masuwerteng numero; 7,17,28,29

KUNEHO (RABBIT)

Ngayong araw ay mare-realize mo na may mali sa iyong mga naging desisyon. Pag-iisipan mo ito ngayong buong maghapon. Mag-iisip ka rin ng solusyon kung paano mo mababago ang napagpasyahan mo na upang maitama ito.

Masuwerteng numero; 26,36,39,42

DRAGON (DRAGON)

May magagawa ka para maibalik ang tiwala sa’yo ng isang kaibigan. Hindi madali ang sitwasyon na pinagdaanan ninyong dalawa at hindi rin naging madali para sa’yo ang ginawa mo na siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang tiwala sa’yo.

Masuwerteng numeor; 30,31,44,47

AHAS (SNAKE)

Uusbong ang pagkakaibigan sa pagitan nyo ng isang malayong kamag-anak dahil sa matutuklasan ninyong mga similarities sa isa’t-isa. Dito rin magsisimula ang mas malalim nyo pang samahan na tatagal pa hanggang sa mga susunod na taon.

Masuwerteng numero; 8,11,13,20

KABAYO (HORSE)

Sa araw na ito ay mare-realize mo kung gaano ka-unfair ang mundo lalo na sa mga mahihinang kagaya mo. Kaya naman pag-iisipan mo kung paano ka makakalaban ng patas at makikipagsabayan sa galawan ng iba.

Masuwerteng numero; 9,19,23,25

TUPA (SHEEP)

Sa kabila ng hirap na nararanasan ay makukuha mo pa ring sumugal para sa kakainin ng iyong pamilya. Subalit wala sa palad mo ang suwerte ngayong araw na ito. Kaya naman ang kakarampot na biyaya na hawak mo na ay mawawala pa.

Masuwerteng numero; 54,57,68,69

UNGGOY (MONKEY)

Ang biyaya na matagal mo ng hinihintay ay darating na rin sa wakas ngayong araw. Magbubunyi ka at labis ang iyong magiging pasasalamat sa Maykapal. Ang hirap na pinagdaanan mo at haba ng paghihintay ay mapapawi lahat ngayon.

Masuwerteng numero; 30,41,42,53

TANDANG (ROOSTER)

Ikasisiya mo ang balitang pagbisita sa inyo ng kamag-anak na nakakaluwag sa buhay. Dahil siya ang nakakaangat sa inyong pamilya ay aasahan mo ang mga bitbit niyang biyaya. Subalit mabibigo ka lang sa iyong inaasahan.

Masuwerteng numero; 10,11,22,33

ASO (DOG)

Ang kaibigan na palaging huli sa iyong listahan dahil hindi mo siya masyadong gusto ay siya mo ngayong makakasama at makakatulong sa’yo. Dahil sa pangyayaring ito ay marami kang matutuklasan sa kanya na magugustuhan mo.

Masuwerteng numero; 16,16,37,39

BABOY (PIG)

Hihimay himayin mo ngayon ang puno’t dulo ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang miyembro ng inyong pamilya. Nang sa gayon ay malaman mo kung papaano nyo ito masosolusyunan para maging maayos na ang inyong pamilya.

Masuwerteng numero; 1,2,4,8

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.