31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 9, 2024

DAGA (RAT)

May mga bagay kang kailangan alamin na may kinalaman sa trabaho upang hindi ka mangapa sa mga susunod na araw. Ayos lang na magtanong at mag-usisa. Mas nakakahiya kung wala kang nalalaman sa iyong pwesto.

Masuwerteng numero; 3,12,24,25

BAKA (OX)

Hindi mo na siya hihintayin para pagdesisyunan ang inyong relasyon. Ikaw na ang siyang bubuo ng pagpapasya sa ayaw niya at sa gusto, upang matapos na ang problema ninyong dalawa at pareho na kayong makalaya sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 15,20,27,34

TIGRE (TIGER)

Walang buting maidudulot sa’yo ang pagmamatigas mo sa iyong mga magulang. Ano pa man ang nangyari sa nakaraan at mangyayari sa hinaharap ay sila pa rin ang iyong mga magulang mo at aagapay sa’yo.

Masuwerteng numero; 27,31,39,44

KUNEHO (RABBIT)

Hindi pa ito ang tamang oras para gumawa ka ng desisyon. Hangga’t hindi pa humuhupa ang galit sa iyong dibdib ay huwag ka munang magpapasya. Hintayin munang kumalma ang sarili upang hindi magkamali.

Masuwerteng numero; 56,63,69,70

DRAGON (DRAGON)

Sa ayaw mo at sa gusto ay kakailanganin mo siyang iwasan. Mapipilitan kang gawin ito dahil marami ng tao ang nadadamay nyo sa inyong ipinaglalaban at hindi na ito nagiging makatwiran kaya dapat lang na tigilan nyo na.

Masuwerteng numero; 11,16,21,30

AHAS (SNAKE)

Magiging masaya at memorable ang araw na ito para sa’yo. Ngayong araw ay makakasama mo ang iyong mahal sa buong maghapon na bihirang mangyari dahil sa kaabalahan ninyo pareho sa trabaho. Kaya ngayon ay susulitin nyo.

Masuwerteng numero; 5,10,13,14

KABAYO (HORSE)

Mapupuno ng drama ang araw na ito para sa’yo dahil ikaw ang mapipili ng kaibigan mo na hingahan ng sama ng loob niya sa kanyang buhay. Wala kang magagawa kundi ilaan ang balikat mo sa kanya sa kanyang pagluha.

Masuwerteng numero; 43,53,65,68

TUPA (SHEEP)

Ito na ang tamang pagkakataon para magawa mo ang mga nais mong gawin sa loob ng inyong bahay nang mag-isa. Magiging magaan sa iyo ang araw dahil walang mga istorbo sa paligid na nagpapasakit din sa ulo mo.

Masuwerteng numero; 80,81,86,93

UNGGOY (MONKEY)

Mabubuhayan ka ng loob dahil sa email na iyong matatanggap. Dahil dito ay lilipas ang maghapon mo na para kang nakatuntong sa ulap. Magiging masaya at maganda ang buong paligid sa iyong paningin at pakiramdam.

Masuwerteng numero; 42,57,67,89

TANDANG (ROOSTER)

 Ang bigat na nararamdaman mo sa iyong dibdib ay mababawasan dahil sa pagdating ng isang bisita. Gagawin niya ang lahat para mapangiti ka at mapaganda ang araw mo. Siya ang magsisilbing clown mo ngayong araw.

Masuwerteng numero; 1,4,7,9

ASO (DOG)

Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ka kikiligin. Dahil ngayon ay makakasama mo at makakausap ng matagal ang tao na nagbibigay sa’yo ngayon ng inspirasyon. Kaya naman buong puso mong yayakapin ang pagkakataon na ito.

Masuwerteng numero; 51,54,68,77

BABOY (PIG)

Maganda ang magiging takbo ng negosyo sa araw na ito. Papalarin kang makatagpo ng mabuting customer na may malasakit at matinding pagnanais sa iyong produkto kaya makakapagsara ng isang magandang deal.

Masuwerteng numero; 31,32,45,54

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.