25.9 C
Manila
Sunday, March 3, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 8, 2024

DAGA (RAT)

Hindi mo ito inaasahan sa iyong sarili pero may mamimiss kang tao na umalis sa buhay mo. Isang tao na hindi mo masyadong pinag-uukulan ng panahon at kadalasan ay hindi pinapansin ang kanyang mga sinasabi.

Masuwerteng numero; 4,14,17,21

BAKA (OX)

Kahit papa’no ay makakaluwag luwag ka na rin sa pera. Pero hindi ibig sabihin ay pagkakataon mo na ulit para magwaldas. Kailangan matuto ka ng magsaalang-alang ng para sa kinabukasan upang hindi na maranasan pa ang sobrang kagipitan.

Masuwerteng numero; 19,30,32,40

TIGRE (TIGER)

Mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa ilang masasakit na salitang maririnig mo mula mismo sa tao na iyong pinagkakatiwalaan. Ang maghapong ito ay mapupuno ng paghihinagpis na itatago mo lang sa sarili.

Masuwerteng numero; 5,11,15,22

KUNEHO (RABBIT)

Isang kamag-anak ang bibigyan mo ng pabor sa araw na ito. Medyo matagal na rin kasi siyang nakikiusap sa’yo at hindi mo nabibigyan ng atensyon, kaya ngayon ay bibigyan mo siya ng pagkakataon na mapagbigyan mo ang kanyang kahilingan.

Masuwerteng numero; 37,41,42,53

DRAGON (DRAGON)

Kung ikaw ang tatanungin ay hindi mo na gugustuhin na bumalik pa sa lugar na kung saan nagkaroon ka ng hindi magandang karanasan. Pero sa ayaw at sa gusto mo ay babalikan mo ito para sa mahalagang dokumento.

Masuwerteng numero; 9,13,25,28

AHAS (SNAKE)

Magiging mailap sa’yo ang suwerte dahil mabigat pa ang kalooban mo mula sa mga pinagdaanang problema. Wala ka pa sa mood na kumilos at gawin ang mga bagay na dapat ay ginagawa mo na sa ngayon.

Masuwerteng numero; 56,57,68,69

KABAYO (HORSE)

May magagawa ka para malusutan mo ang hindi magandang sitwasyon na kinasangkutan mo. Isang bagong inspirasyon ang darating at siya ang magiging daan para makagawa ka ng paraan na maisalba ang sarili.

Masuwerteng numero; 62,66,70,79

TUPA (SHEEP)

Mapapalibutan ka ng mga positibong tao ngayon. Sila ang magsisilbing inspirasyon mo para ipagpatuloy ang magaganda mong plano sa hinaharap. Marami kang gustong gawin para mai-share ang iyong mga blessings.

Masuwerteng numero; 2,4,12,16

UNGGOY (MONKEY)

Wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan ninyong dalawa. Wala na kayong pakialam kahit na ano pa ang sabihin sa inyo ng mga sawsawera sa paligid. Wala kayong ibang pakikinggan kundi ang tibok ng inyong mga puso.

Masuwerteng numero; 1,7,9,19

TANDANG (ROOSTER)

Ito na ang tamang panahon para umpisahan mo ang pinaplano mong pagbabago ng iyong daily routine. Kung magagawa mo ito as soon as possible ay agad mo ring makikita ang magandang resulta nito kaya huwag nang magpatumpik tumpik pa.

Masuwerteng numero; 54,67,71,88

ASO (DOG)

May pagbabagong magaganap sa loob ng inyong pamamahay dahil sa pagdating ng isang bagong miyembro ng pamilya. May bitbit siyang mga ideya na iniisip niyang para sa ikabubuti ninyong lahat na kapamilya na niya.

Masuwerteng numero; 73,75,80,96

BABOY (PIG)

Kahit na anong tago mo sa iyong sikreto ay may makakaalam pa rin nito. Mag-ingat ka sa pakikitungo sa kanya dahil hindi 100% mo siyang mapagkakatiwalaan. Anytime ay pwede ka niyang ilaglag kung gugustuhin niya.

Masuwerteng numero; 17,21,28,34

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.