31.6 C
Manila
Sunday, June 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 7, 2024

DAGA (RAT)

Maganda ang buong araw na lilipas sa pagitan mo at ng iyong karelasyon. Wala kayong ibang iisipin kundi ang isa’t-isa dahil magpapasya kayo na kalimutan na muna ang inyong mga problema kahit pansamantala.

Masuwerteng numero; 8,9,21,29

BAKA (OX)

Hindi ka mag-iisa sa problemang kinakaharap mo ngayon. May tao na kusang lalapit sa’yo para tulungan ka nang walang hihinging kapalit. Kaya naman kahit papa’no ay mababawasan ang bigat ng kalooban mo.

Masuwerteng numero; 5,10,20,22

TIGRE (TIGER)

May darating kang bisita sa araw na ito at bitbit niya ang pag-asa na matagal mo nang hinihintay. May kinalaman ito sa pagnanais mo na mangibang bansa. Dahil sa kanya ay mabubuhayan ka ng loob sa iyong pangarap.

Masuwerteng numero; 15,25,34,36

KUNEHO (RABBIT)

May bago kang maiisip na ideya. Mapapakinabangan mo ang ideyang ito para sa iyong trabaho. Mag-ingat ka lang sa mga kasamahan na walang sariling ideya dahil baka maagaw pa ang sa’yo at sa huli ay ikaw ang mawalan.

Masuwerteng numero; 54,56,63,67

DRAGON (DRAGON)

Kahit na ano pa man ang iyong malaman sa ngayon, pigilan mo ang iyong sarili na makapagsalita ng hindi maganda laban sa taong involve dito. Dapat mo munang malaman ang buong kuwento bago ka magkomento.

Masuwerteng numero; 11,14,21,23

AHAS (SNAKE)

Sa bilis lumipas ng araw ay may isang mahalagang bagay kang makakaligtaang gawin. Ngayong araw na ito mo lang maaalala kaya magkukumahog ka sa oras. Gagamitin mo ang bawat segundo sa araw na ito para matapos lang ito.

Masuwerteng numero; 30,42,46,58

KABAYO (HORSE)

Kahit pa anong gawin mo ay hindi mo kakayaning mag-isa ang iyong problema. Hindi mo man gustong lapitan ang isang tao ay wala kang magagawa kundi lapitan siya dahil siya lang ang makakatulong sa’yo sa ngayon.

Masuwerteng numero; 50,59,65,70

TUPA (SHEEP)

Iba ang tinitingnan sa tinititigan. Iyan mismo ang kasabihang mapapatunayan mo sa araw na ito sa loob ng inyong trabaho. Pero hindi mo na mababago ang sitwasyon lalo na at alam mo namang walang papanig sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,9,13,16

UNGGOY (MONKEY)

Isang magandang deal ang maisasara mo ngayong araw sa tulong ng isang kaibigan. Papabor sa’yo ang tadhana. Kaya naman ang buong maghapon ay magiging makulay at makabuluhan para sa’yo. Ito na ang suwerteng hinihintay mo.

Masuwerteng numero; 3,8,9,10

TANDANG (ROOSTER)

Huwag ng magpatumpik tumpik pa. Kung nais mong lapitan ang isang kaibigan na nakaalitan para makipagbati ay gawin mo na. Isang magandang pagkakataon na ito na ibibigay sa’yo ng tadhana para kayo ay magkaayos.

Masuwerteng numero; 47,52,69,77

ASO (DOG)

May maririnig kang hindi magandang salita laban sa’yo na magmumula mismo sa isang miyembro ng inyong pamilya. Pero hindi mo na ito papatulan dahil may respeto ka sa matatanda. Sa halip ay tatawanan mo na lang ito.

Masuwerteng numero; 11,21,31,39

BABOY (PIG)

Minsan lang kakatok ang oportunidad sa iyong pintuan kaya itodo mo na ang pagtanggap dito. Wala kang dapat ipag-alala dahil walang kokontra. Nakaguhit sa palad mo na mapasaiyo ito kahit na ano pa ang mangyari.

Masuwerteng numero; 18,24,25,33

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.