25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 6, 2024

DAGA (RAT)

Malalaman mo na rin sa wakas ang dahilan sa biglaang pag-alis ng isang kaanak sa inyong lugar. Gayunpaman dapat kang manahimik dahil isa itong sikretong pampamilya na dapat mo ring ingatan na malaman ng iba.

Masuwerteng numero; 32,35,38,44

BAKA (OX)

May magbabalik sa buhay mo mula sa iyong nakaraan. Ikatutuwa mo ito at the same time ay ikakalungkot rin. Dahil kahit pa nagbalik na siya sa buhay mo ay hindi nyo na maibabalik ang dati ninyong pinagsamahan.

Masuwerteng numero; 24,26,31,40

TIGRE (TIGER)

Magugugol ang panahon mo ngayon sa mga gawaing bahay na ilang araw mong hindi nabigyan ng pansin. Kaya naman sa buong maghapon ay magiging abala ka rito at hindi mo gugustuhin na may mang-abala sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,11,13,19

KUNEHO (RABBIT)

Ito na ang tamang pagkakataon para lapitan mo at kausapin ang isang nakasamaan ng loob. Matagal mo nang gustong makipag-ayos sa kanya kaya hindi mo na dapat palampasin ang pagkakataon na magawa ito.

Masuwerteng numero; 4,5,8,14

DRAGON (DRAGON)

May kabigatan ang araw sa trabaho dahil sa dami ng natambak na gawain na hindi natapos noong nakaraan pang taon. Ngayong araw ay pipilitin mong matapos ito lahat kahit pa makaramdam ka ng sobrang pagod.

Masuwerteng numero; 53,57,65,66

AHAS (SNAKE)

Makakaramdam ka ng pananawa sa kasalukuyan mong trabaho. Kaya naman gugustuhin mo na maghanap ng iba na sa tingin mo ay makapagpapaahon sa’yo sa kahirapan at makapag-aalis ng iyong boredom.

Masuwerteng numero; 5,7,14,16

KABAYO (HORSE)

Isang kaibigan ang didistansya sa’yo dahil sa isang ugali na makikita niya sa’yo. Ikakalungkot mo ito pero wala kang magagawa kundi pakawalan siya dahil wala ka rin namang balak na magbaba ng iyong pride para sa kanya.

Masuwerteng numero; 40,41,47,58

TUPA (SHEEP)

Isang magandang balita ang sasalubong sa’yo sa umaga. Magiging dahilan ito para magkaroon ka ng good vibes sa buong maghapon. Kaya ang mga maliliit na pagkakamali ngayong araw lahat ay mapapalampas mo.

Masuwerteng numero; 39,42,43,48

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang nakatakdang takbuhan ng isang kaibigan na mangangailangan ng tulong. Kahit pa gaano mo gustuhin na matulungan siya ay hindi mo magagawa. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili sa bagay na hindi mo kayang ibigay.

Masuwerteng numero; 13,15,23,26

TANDANG (ROOSTER)

Mahahalata mo ang panlalamig sa’yo ng taong mahal mo. Subalit hindi mo malalaman ang totoo kung hindi ka magtatanong sa kanya mismo. Pero  hindi mo pa ito magagawa sa ngayon at sa halip ay patuloy ka lang makikiramdam.

Masuwerteng numero; 17,22,27,37

ASO (DOG)

Isang tao na matagal nang may paghanga sa’yo ang magkakaroon ngayon ng lakas ng loob para sabihin sa’yo ang kanyang nararamdaman. Ikakabigla mo ito kaya wala ka pang anuman na maisasagot sa kanya kundi ewan.

Masuwerteng numero; 61,64,73,78

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng labis na selos sa isang tao na malapit sa’yo at sa tao na nagiging malapit sa kanya ngayon. Pero wala kang gagawin na kahit ano tungkol dito dahil ayaw mong maging immature dahil lang sa iyong nararamdamang selos.

Masuwerteng numero; 33,34,49,50

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.