30.5 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 5, 2024

DAGA (RAT)

Walang kapupuntahan ang iyong pagtatampo. Kahit pa anong gawin mong pagmumukmok ay hindi niya ito bibigyan ng atensyon dahil may mas importante siyang pinagkakaabalahan kaysa sa mga pagdadrama mo na walang saysay para sa kanya.

Masuwerteng numero; 25,26,27,31

BAKA (OX)

Ito na ang tamang oras para aminin sa iyong mahal ang nagawa mong pagkakamali. Kung hahayaan mo na sa iba pa ito manggagaling ay mas lalo ka lamang malalagay sa alanganin at posible pang hindi ka na niya paniwalaan.

Masuwerteng numero; 42,44,50,56

TIGRE (TIGER)

May mga hindi magaganda kang salita na maririnig mula sa isang kapitbahay. Mahihirapan kang kontrolin ang sarili mong galit kaya hindi mo mapipigilan na makapagsalita rin ng mga salitang hindi katanggap tanggap para sa kanya.

Masuwerteng numero; 45,52,56,68

KUNEHO (RABBIT)

May mapapansin kang pagbabago sa attitude ng isang miyembro ng pamilya. Ikakatuwa mo ito dahil matagal mo na itong hinihiling sa kanya. Kaya naman ipapanalangin mo na magtuloy tuloy na ang pagbabagong ito.

Masuwerteng numero; 12,13,17,19

DRAGON (DRAGON)

Ikaiirita mo ang hindi magandang aksyon ng isang katrabaho. Pero sa halip na harapin siya at komprontahin ay mas pipiliin mo na lang na iwasan siya upang makaiwas ka rin sa gulong posible mong kaharapin kung papatulan mo siya.

Masuwerteng numero; 10,15,22,27

AHAS (SNAKE)

Mag-ingat sa mga pagkain na nakakatakam sa iyong paningin lalo na ang mga paborito mo na pawang matatamis dahil sa pagkakataon na ito ay maaari kang makakuha ng sakit. Makinig sa payo ng doktor at nakatatanda.

Masuwerteng numero; 49,52,66,68

KABAYO (HORSE)

Hindi mo magagawang iwasan ang tukso kahit pa ang ibig sabihin nito ay may tao kang masasaktan. Sa ngayon ay mas mangingibabaw  sa’yo ang sariling damdamin. Lalo na at sabik ka sa pagmamahal na hindi mo nakuha sa dati mong minahal.

Masuwerteng numero; 27,39,43,46

TUPA (SHEEP)

Ikaw ang masusunod sa kung ano talaga ang gusto  mong mangyari sa iyong buhay. Kaya hindi ka magpapadala gaano man kalakas ang pwersa ng mga taong gustong mag-impluwensya at makialam sa mga desisyon mo.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

UNGGOY (MONKEY)

Baligtarin mo man ang mundo ay hindi mo mababaligtad ang nilalaman ng iyong puso. Siya at siya pa rin ang ibubulong at isisigaw nito. Subalit hindi mo kailangan na magmadali. Hayaan mong ang tadhana ang maglapit sa inyo kung talagang siya ay para sa’yo.

Masuwerteng numero; 4,5,7,9

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mawawalan ng saysay ang iyong pagbabakasakali na subukan ang isang iniisip mong oportunidad. Magkakaroon ng magandang resulta ang pagkakaroon mo ng lakas ng loob na i-grab ito dahil buo ang iyong tiwala.

Masuwerteng numero; 9,11,20,21

ASO (DOG)

Isang hindi magandang conversation ang mamamagitan sa inyo ng isang tao na mahalaga sa’yo. Ito ay may kinalaman sa pera. Walang isa man sa inyo ang magbababa ng pride at aamin ng pagkakamali kahit pareho naman kayong may mali.

Masuwerteng numero; 13,15,26,30

BABOY (PIG)

Hindi mo magagawang ibigay sa kaibigan ang pabor na hinihingi niya. Masyado itong malaki para sa’yo at sa iyong palagay ay hindi mo talaga kaya kahit na ano pa ang gawin mo kaya hahayaan mo na lang siyang magdamdam.

Masuwerteng numero; 3,6,8,12

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.