26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 4, 2024

DAGA (RAT)

Huwag kang manghinayang sa nawala dahil sa araw na ito ay mapapalitan nang higit ang nawala sa’yo. Isang tao na malapit sa’yong pamilya ang magbibigay sa’yo ng biyayang ito kaya hindi ka na malulungkot.

Masuwerteng numero; 24,25,31,33

BAKA (OX)

Magiging maaliwalas at magaan ang araw mo sa trabaho dahil sa isang tao na makakatulong sa’yo. Siya ang magpapaliwanag sa’yo sa mga bagay na hindi mo naiintindihan sa bagong pwesto mo sa iyong trabaho.

Masuwerteng numero; 45,46,50,59

TIGRE (TIGER)

Wala kang dapat ipag-alala sa isang miyembro ng pamilya na nakatakdang mangibang bansa. Kailangan mong maging positibo sa kanyang pag-alis upang hindi makabigat sa kanyang bagahe at byahe ang iyong pag-aalala.

Masuwerteng numero; 26,31,35,42

KUNEHO (RABBIT)

Labis mong ikakalungkot ang hindi pagpaparamdam ng iyong karelasyon sa araw na ito. Ito ay dahil hindi ka sigurado sa tunay niyang pinagkakaabalahan.  Makakaramdam ka ng pagdududa at pagseselos kahit wala kang basehan.

Masuwerteng numero; 1,2,6,9

DRAGON (DRAGON)

Magdoble ingat pagdating sa kalusugan. Dahil ngayong araw ay makakaranas muli ng pananakit ng tiyan tulad ng naranasan mo noong isang araw lang. Kakailanganin mong mapacheck up upang makasiguro sa sanhi nito.

Masuwerteng numero; 13,15,22,27

AHAS (SNAKE)

Isang dating kaibigan ang magrerekomenda sa’yo sa isang magandang trabaho. Magkakaroon ka ng hesitation na hindi dapat dahil ito na ang pagkakataon na matagal mo ng hinihintay kaya huwag mo nang palampasin.

Masuwerteng numero; 40,43,55,56

KABAYO (HORSE)

Panahon na para i-share mo ang iyong mga blessings. Mainam ang plano mo na magdonate sa mga foundations. Pero kailangan mo itong gawin ng tahimik at hindi lang para ipagyabang sa socia media upang makaiwas sa intriga.

Masuwerteng numero; 32,36,48,49

TUPA (SHEEP)

Hindi mo malalaman ang dahilan ng pagtatampo ng iyong kabiyak kung hindi mo ito aalamin. Kung ito ay babalewalain mo magiging lamat lang ito sa inyong relasyon na maaaring mauwi sa tuluyan nitong pagkabasag.

Masuwerteng numero; 20,24,35,53

UNGGOY (MONKEY)

Yung akala mo ay hindi ka na mahalaga sa kanya, pero ngayong araw ay mabibigla ka sa ihahatid niyang sorpresa sa’yo. Labis mo itong ikakatuwa kaya makakalimutan mo ang nakatago mong pagtatampo sa kanya.

Masuwerteng numero; 9,11,15,17

TANDANG (ROOSTER)

Mahuhusgahan ka ngayon ng ibang tao dahil sa gagawin mong aksyon sa isang sitwasyon. Pero hindi ka dapat magpaapekto. Kung alam mong nasa tama ka ay panindigan mo ang iyong ginawa at taas noong humarap sa kanila

Masuwerteng numero; 28,29,41,46

ASO (DOG)

Mag-ingat sa mga taong malilikot ang kamay. Kung minsan, kung sino pa ang pinagkakatiwalaan mo ay siya pang makakagawa ng hindi maganda sa’yo. Maging aware sa mahahalaga mong pag-aari kung ayaw mong mawalan.

Masuwerteng numero; 64,67,72,73

BABOY (PIG)

Hindi kailanman naging issue sa’yo ang pera pero ito ang magiging dahilan para gawan ka ng issue ng isang kakilala na pinautang mo. Dahil dito ay hindi mo na makokontrol ang sarili mo na magalit at lumaban.

Masuwerteng numero; 16,17,26,28

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.