30.4 C
Manila
Thursday, February 22, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 31, 2024

DAGA (RAT)

Mag-ingat sa pakikihalubilo sa mga lugar na masyadong marami ang tao. Posible kang mahawa ng sakit. Maiiwasan ito kung ikaw ay mananatili na lang sa inyong bahay sa araw na ito kasama ang sariling pamilya.

Masuwerteng numero; 15,18,20,21

BAKA (OX)

Kahit pa gustong gusto mong pagbigyan ang iyong karelasyon sa kanyang kahilingan ay hindi mo magagawa dahil alam mo naman kung ano ang magiging resulta nito sa oras na ibigay mo ang pabor sa kanya.

Masuwerteng numero; 11,13,19,22

TIGRE (TIGER)

Kahit ayaw mo na ay ikaw pa rin ang babalik balikan niya. Masyado ka niyang mahal para isuko ka na lang niya basta basta. Sa araw na ito ay malilito ka sa tunay mong damdamin para sa kanya dahil sa kanyang effort.

Masuwerteng numero; 50,53,64,68

KUNEHO (RABBIT)

Walang mangyayari sa proyektong pinaghirapan mo ng ilang araw para sa trabaho dahil na rin sa sarili mong kapabayaan. Isang malaking aral na sa’yo na kung meron kang sinimulan ay dapat mo itong tapusin.

Masuwerteng numero; 49,52,63,64

DRAGON (DRAGON)

May maririnig kang hindi magandang komento mula sa kapitbahay kaugnay ng napakagulo mong relasyon ngayon sa iyong pamilya. Mas makakabuti kung hindi na lang papatol upang hindi na madagdagan pa ang gulo.

Masuwerteng numero; 27,30,31,35

AHAS (SNAKE)

Maiipit ka sa gitna ng sitwasyon na kakailanganin mong pairalin ang iyong pagiging ismarte at sasamahan mo ng diskarte. Kung hindi ka kikilos ay hindi ka makakalabas sa hindi magandang sitwasyon na kakaharapin.

Masuwerteng numero; 9,12,14,16

KABAYO (HORSE)

Muling iiral sa’yo ang pagkamaawain kaya kahit pa meron kang hindi nagugustuhan sa isang kaibigan ay tutulungan mo pa rin ito sa abot ng iyong makakaya.Lalo pa at alam mo na wala siyang ibang malalapitan.

Masuwerteng numero; 33,35,36,40

TUPA (SHEEP)

Makakagawa ka ng isang pagkakamali na labag sa relihiyon na iyong kinaaaniban. Dapat mo na itong ituwid bago pa man lumala dahil hindi mo rin magugustuhan ang magiging resulta nito sa oras na lumaki pa.

Masuwerteng numero; 4,6,9,10

UNGGOY (MONKEY)

Wala kang dapat ipag-alala. May kahahantungan ang mga paghihirap at pagsisikap na ginagawa mo para sa iyong pamilya. Kailangan mo lang na habaan pa ang iyong pasensya sa paghihintay kahit pa sa araw na ito ay makakaramdam ka ng kawalan ng pag-asa.

Masuwerteng numero; 34,37,40,44

TANDANG (ROOSTER)

Hindi mangyayari ang ini-expect mong gagawin ng iyong mahal para sa isang mahalagang okasyon sa pagitan ninyong dalawa. Mas higit pa ro’n ang inihanda niya para lang masiguro na masisiyahan ka sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,6,17,19

ASO (DOG)

Walang makakapigil sa’yo sa pagmamahal mo sa isang tao. Kahit pa tumutol ang buong mundo at walang kumampi sa inyo ay mananatili kang loyal sa kanya. Patutunayan mo iyan sa kanya ngayon at sa mga susunod pang araw.

Masuwerteng numero; 35,36,51,59

BABOY (PIG)

Isang tao na hindi pamilyar sa’yo ang eeksena sa mahalagang araw mo. Dala niya ang isang magandang balita na labis mong ikatutuwa. Kaya naman ang buong maghapon mo ay mapupuno ng excitement at kasiyahan.

Masuwerteng numero; 7,8,10,14

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.