26.9 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 30, 2024

DAGA (RAT)

Sa araw na ito magbabalik ang mga alaala ng iyong nakalipas. Dahil sa isang tao na makikita mo ngayon nang di sinasadya. Siya ang magpapaalala sa’yo ng mga bagay sa nakaraan na pinipilit mo nang kalimutan.

Masuwerteng numero; 12,21,24,25

BAKA (OX)

Sa tinagal tagal ng panahon sa wakas ay makakatikim ka rin ng magandang resulta ng pinaghihirapan mo sa araw-araw. Labis mo na itong ikatutuwa kahit pa kadalasan ay hindi mo alam kung saan nga ba ito napupunta.

Masuwerteng numero; 20,30,34,41

TIGRE (TIGER)

Kahit pa anong iwas mo ay hindi mo maiiwasan ang mga maniningil. Kaya naman mas makakabuti kung haharapin mo na lang sila at ipapaliwanag ang dahilan ng hindi mo pa pagbabayad, mas maiintindihan ka pa nila.

Masuwerteng numero; 13,15,36,37

KUNEHO (RABBIT)

Isang tao na hindi naman gaanong malapit sa’yo ang mangangailangan ng iyong payo. Bagamat ikakagulat mo ang biglaan niyang paglapit sa’yo ay hindi mo naman ipagkakait sa kanya ang mga payo na maibibigay mo.

Masuwerteng numero; 58,59,60,66

DRAGON (DRAGON)

May makikialam sa gagawin mong pagdedesisyon sa trabaho. Kung mas pakikinggan mo siya kaysa sa sarili mo ay mas malaki ang posibilidad na ikaw ay magkamali. Kung plantsado na ang iyong plano ay dapat kang magstick dito.

Masuwerteng numero; 2,3,5,7

AHAS (SNAKE)

Kahit pagbali-baligtarin mo pa ang iyong bulsa at pitaka ay hindi sasapat ang laman nito para sa mga pangangailangan mo sa araw na ito at sa susunod pa. Magkakasya lamang ito kung may aalisin ka ngayon na kasama dapat sa budget mo.

Masuwerteng numero; 16,19,26,27

KABAYO (HORSE)

Bibilis ang tibok ng puso mo dahil sa isang tao na makakasalubong mo sa araw na ito. Siya ang tao na nagbibigay sa’yo ng inspirasyon makita mo man siya o hindi. Kaya naman gaganda ang buong maghapon mo.

Masuwerteng numero; 28,30,33,40

TUPA (SHEEP)

Kahit pa ilang araw na ang lumipas ay mananatili ka pa ring apektado sa hindi magandang pangyayari na naganap sa pagitan nyo ng isang kapamilya. Kung gusto mo ng katahimikan ay ikaw na ang siyang magpakumbaba.

Masuwerteng numero; 11,14,18,20

UNGGOY (MONKEY)

Dahil sa maganda mong gising at awra ay mahaharang mo ang mga negatibong enerhiya kaya naman sa halip na kamalasan ay suwerte ang matatanggap mo sa araw na ito. Dapat mo itong ipagpasalamat sa Diyos.

Masuwerteng numero; 51,52,59,70

TANDANG (ROOSTER)

Hindi talaga kayo magkakaintindihan ng iyong karelasyon kung pareho kayong nakikinig sa sinasabi ng ibang tao. Dapat na mas pakinggan nyo at unawain ang panig ng isa’t-isa kung nais nyo ng kapanatagan sa inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 73,75,80,84

ASO (DOG)

Walang mababago sa inyong pagsasama kahit pa anong gawin ng isang tao para sirain kayo. Ikaw pa rin ang mahal niya at siya pa rin ang mahal mo. Makakaya ninyong panindigan anuman ang inyong maging desisyon.

Masuwerteng numero; 31,42,46,57

BABOY (PIG)

May kalakihan at kabigatan ang pabor na hihingin sa’yo ng isang kaibigan kaya kahit malapit kayo sa isa’t-isa ay hindi mo siya magagawang pagbigyan. Kung tutugunan mo ang kanyang hinaing ay ikaw naman ang siyang malalagay sa alanganin.

Masuwerteng numero; 45,50,56,76

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.