28.7 C
Manila
Friday, July 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 3, 2024

DAGA (RAT)

Isang magandang pagkakataon ang darating sa’yo ngayon para sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. May mga kokontra para hindi mo makuha ang pagkakataon at oportunidad na ito pero nakalaan ito sa’yo kaya wala silang magagawa.

Masuwerteng numero; 14,15,18,19

BAKA (OX)

Wala kang maaasahan ngayon sa tao na pinagkakatiwalaan mo ng lubos dahil may sarili siyang problemang kinakaharap sa ngayon kaya huwag ka munang umasa na darating siya para madamayan ka sa araw na ito.

Masuwerteng numero;20,25,32,35

TIGRE (TIGER)

Ikaw ang nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa’yo at sa iyong pamilya kaya huwag nang magpatumpik tumpik pa. Gawin mo na ang tama. Hindi mo na kakailanganin ang tulong ng maraming tao.

Masuwerteng numero; 48,50,52,56

KUNEHO (RABBIT)

Isang hindi maganda at isang magandang balita ang makakarating sa’yo ngayong araw na ito. Maaaring makaramdam ng depression sa bandang umaga subalit bago matapos ang araw ay sasaluhin ka ng magandang balita.

Masuwerteng numero; 1,2,7,9

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ng malaking pagbabago sa trabaho. Hindi ka na masyadong mahihirapan subalit bababa naman ang iyong kita. May magagawa ka pa para mabago ang magiging sitwasyon mo kung imumulat mo ang iyong mga mata.

Masuwerteng numero; 43,50,61,62

AHAS (SNAKE)

Maging alisto ka sa mga nakakatransakyon online. Sa dami ng manlolokong nagkalat dito ay malaki ang posibilidad na makasalamuha ka ng isa. Huwag magpapadala sa matamis na mga salita at matutong mag-imbestiga.

Masuwerteng numero; 32,33,37,38

KABAYO (HORSE)

Makakaramdam ka ng pagod dulot ng napakaraming gawain na matatapos mo sa inyong bahay. Pero mawawala rin agad ang pagod na ito dahil sa makikita mong resulta ng iyong pinagpaguran. Mapapalitan na ito ng saya.

Masuwerteng numero; 11,13,20,22

TUPA (SHEEP)

Hindi mawawalan ng saysay ang mga pinaghihirapan mo sa trabaho dahil marerecognize na rin ito ng boss mo. Sa wakas ay mapapalapit ka na sa pangarap mong promosyon. Malaking puntos ito para sa’yo sa trabaho.

Masuwerteng numero; 23,24,28,29

UNGGOY (MONKEY)

Sa kabila ng iyong kaabalahan sa trabaho ay palagi ka pa ring nakakahanap ng oras para sa taong mahal mo. Kaya naman hindi ka niya magagawang iwan kahit pa may mga taong nagsusulsol sa kanya na iwanan ka.

Masuwerteng numero; 30,31,34,47

TANDANG (ROOSTER)

Sadyang may mga bagay na mahirap intindihin kahit pa anong lawak ng pang-unawa mo. Mas makakabuti kung iiwanan mo na lang muna ang problemang ito habang wala ka pang naiisip na solusyon.

Masuwerteng numero; 55,57,67,69

ASO (DOG)

Masasagad ang pagtitimpi mo sa isang kaibigan na walang kontrol sa kanyang mga pagbibiro. Para sa’yo ay wala siyang pakialam kung may masaktan man siya o wala kaya pipiliin mo na lang muna na iwasan siya.

Masuwerteng numero; 10,12,13,16

BABOY (PIG)

Magugulat ka kung sino ang tao na tutulong sa’yo ngayon para maayos ang problema mo. Siya ang huling tao na inaasahan mong tutulong sa’yo kaya naman ikabibigla mo na siya pa ngayon ang dadamay sa’yo.

Masuwerteng numero; 43,46,47,50

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.