26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 29, 2024

DAGA (RAT)

Iwasan mong magpakagalit sa araw na ito dahil may dahilan ka para magsaya. Kung pangingibabawin mo ang galit ay maaaring maharangan nito ang positibo na dapat ay maganap bago lumipas ang maghapon.

Masuwerteng numero; 11,14,21,24

BAKA (OX)

Ipagpasa-Diyos mo na lang ang mga tao na alam mong minamaliit ka at minemenos ang iyong kakayahan. Marami kang proyekto na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Ito ang magsisilbing pananggalang mo sa kanila.

Masuwerteng numero; 36,38,44,45

TIGRE (TIGER)

Ang pagdududa mo sa iyong kapareha ay maiibsan ngayong araw. Magugustuhan mo ang effort na gagawin niya para ipakita sa’yo na sinsero sya sa pangako niyang pagbabago. Ibibigay mo sa kanya ang hihingin niyang isa pang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 11,17,19,20

KUNEHO (RABBIT)

Bago ka kumilos ng naaayon sa kagustuhan ng iba ay alamin mo muna ang detalye at gayundin ang kahihinatnan nito. Malaki ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng malaking pagsisisi sa huli kung agad aayon sa iba.

Masuwerteng numero; 6,8,13,16

DRAGON (DRAGON)

Stress ang daratnan mo sa trabaho.Sa’yo maipapasa ang mga trabahong hindi matatapos ng isang kasamahan. Wala ka sa posisyon para magreklamo kaya sa ayaw at sa gusto mo ay tatapusin mo ang responsibilidad na ito.

Masuwerteng numero; 52,56,58,59

AHAS (SNAKE)

Malabo na dumating ang inaasahan mong pera sa araw na ito. Kahit pa magngitngit ka sa inis ay wala kang magagawa. Hindi pa ito ang tamang panahon para mapasakamay mo ang biyayang ito. Kailangan mo pang maghintay.

Masuwerteng numero; 61,63,64,70

KABAYO (HORSE)

Ngayon ay ikakatuwa mo na mapapabilang ang pangalan mo sa pagpipilian para sa isang mataas na posisyon sa trabaho. Pero hindi pa ngayon ang araw na makakamit mo ito. Marami pang pagdaraanang proseso.

Masuwerteng numero; 30,33,42,47

TUPA (SHEEP)

Sa wakas ay matutupad na rin ang plano ninyong pagbibiyahe sa malayong lugar kasama ang mahal sa buhay. Maging maingat lang dahil sa kabila ng inyong kasiyahan ay may haharapin din kayong aberya sa daan.

Masuwerteng numero; 45,48,50,60

UNGGOY (MONKEY)

Ikaw ang magsisilbing tagapayo ng isang kaibigan na naguguluhan ngayon sa kanyang lovelife. Pero bago mo ayusin ang sa kanya ay unahin mo munang ayusin ang sa’yo dahil nahaharap ka rin sa kaparehong problema.

Masuwerteng numero; 25,28,29,31

TANDANG (ROOSTER)

Kapag pinagkatiwalaan ka ng sikreto ng isang kapamilya man o kaibigan siguraduhin mo na maiingatan mo ito. Sa araw na ito ay madudulas kang masabi ito sa iba. Kahit hindi mo ito sinasadya ay may negatibo pa ring epekto sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,12,14,16

ASO (DOG)

Maaapektuhan ka ng labis dahil sa isang hula sa’yo na negatibo. Ang hula ay hula. Isang prediksyon na maaaring mangyari o hindi sa’yo. Subalit huwag mong kakalimutan na wala ng mas makapangyarihan pa sa Diyos kaya manalangin.

Masuwerteng numero; 1,2,5,8

BABOY (PIG)

Makakatanggap ka ng isang magandang regalo mula sa iyong mahal. Hindi mo ito inaasahan at hindi ka rin naman mahilig sa mga sorpresa. Gayunpaman ay maa-appreciate mo naman ang effort na gagawin niya.

Masuwerteng numero; 21,25,30,39

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.