29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 27, 2024

DAGA (RAT)

Hindi ka masisiyahan sa magiging resulta ng benta ng iyong negosyo sa araw na ito. Pero kahit na ano pang strategy ang gawin mo ay sadyang mailap sa’yo ngayon ang suwerte. Lilipas ang araw na ito na hindi ka kuntento.

Masuwerteng numero; 20,30,34,45

BAKA (OX)

Sa gitna ng kawalan mo ng pag-asa ay isang tao ang darating para makapitan mo. Maaaring hindi niya maibigay sa’yo ang lahat ng kailangan mo sa ngayon para makabangon pero handa naman siyang alalayan ka sa iyong pagsisimula.

Masuwerteng numero; 5,7,9,13

TIGRE (TIGER)

Isang pangyayari sa araw na ito ang magbubukas ng mga mata mo sa isang katotohanan na noon mo pa dapat nakita. Ito ay may kinalaman sa iyong kasalukuyang relasyon. May lungkot itong ihahatid sa puso mo.

Masuwerteng numero; 15,18,22,24

KUNEHO (RABBIT)

Magiging magaan ang araw na ito dahil sa mga tao na magpapasaya sa’yo. Hindi mo inaasahan ang kanilang pagbisita subalit ikatutuwa mo ito. Kahit out of the budget ka ay sisikapin mo na mahainan sila kahit papa’no.

Masuwerteng numero;10,12,14,20

DRAGON (DRAGON)

Magbigay ka man o hindi sa ilan mong kaanak ay hindi pa rin nila ito maa-appreciate kaya sa pagkakataong ito na pare-pareho kayong nangangailangan ay mas uunahin mo na ang iyong sarili at ang iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 53,56,58,59

AHAS (SNAKE)

Mapapasubo ka sa isang kasunduan alang-alang sa inyong samahan. Pero mahihirapan kang gawin ang iyong parte dahil hindi naman talaga ito ang iyong forte. Kakailanganin mo pa itong pag-aralan ng mabuti.

Masuwerteng numero; 42,43,57,60

KABAYO (HORSE)

Mabigat ang pagdaraanan mong emosyon sa ngayon dahil sa mga usap-usapang makakarating sa’yo mula sa mga kasamahan sa trabaho. Sa kabila nito ay hindi ka magbabalak ng kahit na ano laban sa kanila.

Masuwerteng numero; 31,35,40,44

TUPA (SHEEP)

Kahit na ano pa ang sabihin ng iba ay hindi magbabago ang stand mo tungkol sa inyong relasyon. Mananatili kang lumalaban para sa kanya. Kahit sa mga oras na pagod na pagod ka na tulad ngayon ay hindi ka pa rin susuko.

Masuwerteng numero; 71,73,80,86

UNGGOY (MONKEY)

Sa araw na ito ay makakaramdam ka ng kawalan ng pag-asa. Yung tipong iisipin mo na lahat ng pinaghihirapan mo ay mauuwi lang lahat sa wala. Sobrang down ka sa araw na ito at tanging mga anak mo lang ang makapagpapangiti sa’yo.

Masuwerteng numero;14,15,33,37

TANDANG (ROOSTER)

May magagamit ka ng pruweba para patunayan sa lahat na inosente ka sa ibinibintang nila sa’yo. Sa wakas ay matutuldukan na rin ang iyong mga agam-agam sa posibleng mangyari sa’yo kapag hindi mo ito napatunayan.

Masuwerteng numero; 42,48,56,61

ASO (DOG)

Sa araw na ito ay pag-iisipan mong mabuti kung dapat mo pa bang pagkatiwalaan ang isang pag-ibig na puno na ng lamat. Sa kabila kasi ng mga hindi magagandang senaryo na pinagdaanan nyo ay tunay pa rin ang pagmamahal mo sa kanya.

Masuwerteng numero; 13,23,28,32

BABOY (PIG)

Tuloy ang buhay kahit na anong mangyari. Iyan ang positibong pananaw na hinding hindi mo bibitawan. Kaya naman kahit na ibaba ka pa ng mga tao sa paligid mo ay pipilitin mong iwasan na magpaapekto sa kanila.

Masuwerteng numero; 50,52,56,63

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.