28.2 C
Manila
Thursday, June 20, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 22, 2024

DAGA (RAT)

May mababago sa pakikitungo sa’yo ng iyong karelasyon dahil sa isang salita na bibitawan mo sa kanya. Magsisilbi itong warning sa kanya. Sa kabilang banda ay masisiyahan ka na rin na nasindak mo siya. Huwag mo lamang ipahalata.

Masuwerteng numero; 8,10,14,15

BAKA (OX)

Magiging abala ka sa mga gawaing bahay sa araw na ito. Dahil wala kang aktibidad sa labas kaya naman sasamantalahin mo ang pagkakataon na ito na mapagtutuunan mo ng panahon ang mga nakabinbing gawaing bahay.

Masuwerteng numero; 12,23,29,30

TIGRE (TIGER)

Hindi na magtatagal at mababago na rin ang kasalukuyan mong sitwasyon. Makikilala mo sa araw na ito ang siyang tao na magiging responsable sa pagbabago ng iyong buhay. Dapat mo na itong ikatuwa ngayon pa lang.

Masuwerteng numero; 3,6,9,11

KUNEHO (RABBIT)

Sa araw na ito ay magiging mailap pa ang suwerte sa trabaho. Mananatili ka sa kung ano ang posisyon mo ngayon. Same routine like everyday at boredom pa rin ang problemang kakaharapin mo sa bawat oras na lilipas.

Masuwerteng numero; 1,2,19,20

DRAGON (DRAGON)

Maaayos mo ang sigalot sa pagitan nyo ng isang malapit na kaibigan subalit ito ay sa pamamagitan ng isang kondisyon na ibibigay niya sa’yo. Alam mo na para rin ito sa ikakabuti mo kaya dapat mo lang itong tanggapin.

Masuwerteng numero; 56,59,60,66

AHAS (SNAKE)

Sa hinaba-haba ng diskusyon nyo ng iyong karelasyon nitong mga nagdaang araw ay ngayon mo lang maiintindihan ang kanyang ipinupunto. Dahil dito ay babalakin mo na makipag-ayos at makipagkasundo na lang sa plano niya.

Masuwerteng numero; 32,34,40,51

KABAYO (HORSE)

Hindi magiging maayos ang pakikipag-usap mo sa isang katrabaho para sa isang proyekto. Ito ay dahil bukod sa magkaiba kayo ng opinion ay marami pang makikisawsaw na magbibigay din ng kanya-kanya nilang opinyon.

Masuwerteng numero; 64,68,72,78

TUPA (SHEEP)

Sadyang may mga bagay na mahirap unawain. Katulad ng lovelife mo ngayon. Minsan ay hinahanap hanap mo siya, minsan naman ay parang ayaw mo siyang makita at makasama. Tanda ito na hindi ka muna dapat magpakaseryoso.

Masuwerteng numero; 15,22,26,30

UNGGOY (MONKEY)

Magiging maganda ang araw mo ngayon dahil makakaabot sa’yo ang balita na kinukumusta ka ng taong importante sa puso mo. Sa kabila nito ay wala kang gagawin na anumang pagkilos. Basta’t deep inside ay masaya ka.

Masuwerteng numero; 2,4,7,9

TANDANG (ROOSTER)

Ito na ang tamang araw para simulan mo ang pinaplanong pagbabago sa iyong buhay. Kasama na rito ang bagong libangan na kinahihiligan mo sa ngayon. Malaki ang maitutulong nito sa buhay mo kung seseryosohin mo.

Masuwerteng numero; 1,3,5,10

ASO (DOG)

Magiging malapit ka ngayon sa isang katrabaho na dati mong kinakainisan. Ito ay dahil may makikita kang katangian niya na labis mong hahangaan. Ito ang magsisilbing magandang koneksyon nyo sa isa’t-isa.

Masuwerteng numero; 5,10,11,13

BABOY (PIG)

Ang proseso sa dokumento na inaakala mong matatagalan ay magiging mabilis lang. Dahil dito kaya naman magkakaroon ka pa ng oras para makipagkita sa isang tao na kailangan mong kausapin kaugnay ng pinaplano mong negosyo.

Masuwerteng numero; 42,45,50,69

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.