26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 2, 2024

DAGA (RAT)

Magkakaroon ng limitasyon ang pagbisita mo sa isang mahal sa buhay dahil magiging abala ka na sa isang bagay na mas pagtutuunan mo ngayon ng pansin higit sa anupaman. Matatagalan pa ang ganito mong sitwasyon.

Masuwerteng numero; 36,39,40,44

BAKA (OX)

May makikilala kang magbibigay sa’yo ng inspirasyon dahil sa pareho ang interes nyo sa buhay. Kaya naman magmamarka ang petsang ito para sayo dahil ngayong araw magkukrus ang landas ninyong dalawa.

Masuwerteng numero; 46,50,51,54

TIGRE (TIGER)

Walang pagsisidlan ang iyong tuwa dahil sa balitang matatanggap mula sa isang kaanak na nasa malayo. Ang balitang ihahatid niya sa iyo ay may kinalaman sa iyong lovelife na maaaring magpabago ng iyong buhay.

Masuwerteng numero; 22,25,28,30

KUNEHO (RABBIT)

Mauubos ang pasensya mo sa isang miyembro ng pamilya na matagal nang nagpapasakit ng ulo mo at ng iba mo pang kaanak. Ang kanyang pagiging pasaway ay lalampas na sa hangganan ng iyong pagtitimpi kaya sasabog na ang galit mo.

Masuwerteng numero; 1,4,5,7

DRAGON (DRAGON)

Hindi magiging maganda ang araw mo sa pamimili dahil marami kang makakaligtaan at marami ka ring mabibili na wala naman sa iyong listahan kaya ang ending ay maiinis ka sa sarili at mapupuno ng pagsisisi.

Masuwerteng numero; 24,32,36,49

AHAS (SNAKE)

Wala kang mapapala kung i-eentertain mo ang isang negatibong tao kahit pa sa iyong chat inbox lang. Hindi magaganda ang mga salitang mababasa mo mula sa kanya kaya sa halip patulan ay iblock mo na lang.

Masuwerteng numero; 53,55,67,68

KABAYO (HORSE)

Digital na ang karma ngayon kaya hindi ka na dapat mag-isip pa kung paano mo magagantihan ang isang tao na nakagawa sa’yo ng hindi maganda. Ipaubaya mo na lang sa Diyos ang lahat at ibibigay niya sa’yo ang kapanatagan.

Masuwerteng numero; 21,24,26,35

TUPA (SHEEP)

Magiging magaan ang araw na ito para sa’yo kaya dapat kang magpasalamat sa Diyos dahil nananatili sa iyong tabi ang mga tao na buo ang suporta sa lahat ng iyong ginagawa. Kahit pa sa mga oras na ikaw ay nagkakamali.

Masuwerteng numero; 11,13,14,15

UNGGOY (MONKEY)

Oras na para tuparin mo ang ipinangako mo sa sarili. Panahon na para magconcentrate ka sa isang bagay na matagal mo nang gustong gustong gawin. No buts and alibis, kung nais mo talaga na magtagumpay ka.

Masuwerteng numero; 16,19,20,23

TANDANG (ROOSTER)

Malalagay ka ngayon sa isang sitwasyon kung saan maiipit ka sa dalawang mahal mo sa buhay. Ang hindi nila pagkakaunawaan ay magiging daan para mabunyag kung sino talaga sa kanila ang mas matimbang sa’yo.

Masuwerteng numero; 18,28,32,49

ASO (DOG)

Isang nakakubling talento mo ang matutuklasan mo ngayon. Ito ay dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari na magbibigay sa’yo ng pagkakataon para ipakita ito. Dapat mo itong ipagmalaki at hindi ikahiya.

Masuwerteng numero; 45,46,53,55

BABOY (PIG)

Mawawalan ka ng choice kundi ang makiayon na lang sa kagustuhan ng nakararami. Kahit pa meron kang ideya para sa grupo ay walang papansin nito kaya naman hahayaan mo na lang at magpapatangay ka sa agos.

Masuwerteng numero; 38,53,64,71

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.