26.1 C
Manila
Tuesday, July 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 17, 2024

DAGA (RAT)

Mahigpit ang pangangailangan mo sa ngayon kaya naman ang mga bagay na gustong gusto mong bilhin para sa sarili ay maisasantabi mo muna. Mas pipiliin mong unahin ang needs kaysa wants sa pagkakataong ito.

Masuwerteng numero; 47,48,49,52

BAKA (OX)

Isang sikreto ang mabubunyag sa harapan mo sa araw na ito. Magiging mahirap para sa’yo na ito ay paniwalaan kaya hindi pa agad ito magsisink in sa isip mo. Mas gugustuhin mo munang ituon ang isip mo sa ibang bagay.

Masuwerteng numero; 27,28,31,35

TIGRE (TIGER)

Paglalaruan ka ng sarili mong alaala mula sa iyong nakaraan. Dahil ang mga tao na nakasama mo noon ay isa-isang magbabalikan sa buhay mo at wala kang magiging ideya kung ano pa ang gagampanan nila sa buhay mo.

Masuwerteng numero; 11,13,15,25

KUNEHO (RABBIT)

Maiipit ka sa isang alanganin na sitwasyon dahil sa pakikialam mo sa sigalot ng dalawang tao na pareho namang hindi malapit sa’yo. Ang mangyayari ay magbibigay sa’yo ng aral na hindi mo na magagawang kalimutan.

Masuwerteng numero; 53,55,58,64

DRAGON (DRAGON)

May mga bagay na sadyang mahirap bigyan ng explanation kung hindi pa handa ang puso at isipan mo na unawain ito. Makisabay ka na lang muna sa agos hanggang sa maging handa ka ng makinig at umunawa.

Masuwerteng numero; 13,21,24,30

AHAS (SNAKE)

Makakaranas ka ngayon ng kaluwagan sa pera. Ito ay bunga ng iyong ginawang pagsisikap nitong mga nakaraang araw. Kaya naman sa wakas ay mabibili mo na rin ang isang bagay na matagal mo nang gustong bilhin.

Masuwerteng numero;10,14,26,29

KABAYO (HORSE)

Kahit wala kang balak lumabas ngayong araw ay mapipilitan ka pa rin na lumabas dahil sa pagdating ng isang bisita na siyang mag-aaya sa’yo na pumunta sa isang lugar at hindi mo siya magagawang tanggihan.

Masuwerteng numero; 20,26,36,40

TUPA  (SHEEP)

Dahil marunong ka magmahal kaya hindi na kataka taka kung ikaw man ay masaktan. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng sitwasyon na tulad sa hinaharap mo ngayon. Wala kang choice kundi harapin ito ng buong tatag.

Masuwerteng numero; 4,8,9,14

UNGGOY (MONKEY)

May hatid na kalungkutan ang araw na ito para sa’yo dahil mabibigo ka pa rin sa iyong mga hinihintay. Pero huwag masyadong magmukmok dahil babalik ang sigla mo sa mga susunod na araw. Hayaan mo lang lumipas ang hindi magandang araw na ito.

Masuwerteng numero; 61,64,75,79

TANDANG (ROOSTER)

Ito na ang magandang pagkakataon na pinakahihintay mo para sa re-opening ng iyong negosyo. Para sa’yo ay sapat na ang iyong mga natutunan sa nakaraan upang mas mapagbuti mo ngayon ang paghahandle nito.

Masuwerteng numero; 15,27,28,33

ASO (DOG)

Hindi mo magagawang tanggihan ang alok ng isang malapit na kaibigan na may kinalaman sa isang insurance. Gayunpaman, dapat mo pa ring pakinggan ang payo sa’yo ng kabiyak tungkol dito upang di ka mapasubo.

Masuwerteng numero; 56,57,61,62

BABOY (PIG)

Mababawasan ang pangamba mo sa isang suliranin na kinasasangkutan ng isang kamag-anak dahil may makakatulong na sa inyo para maresolba ang problemang ito. Kahit papa’no ay makakahinga na rin kayo ng medyo maluwag.

Masuwerteng numero; 77,78,83,85

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.