25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 16, 2024

DAGA (RAT)

Magkakaroon ka na ng pagkakataon na itama ang iyong nagawang pagkakamali sa isang kaibigan. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na dahil dito ay maibabalik mo na sa dati ang, lahat kung paano kayo noon.

Masuwerteng numero; 16,29,30,32

BAKA (OX)

Baka ito na ang huling tsansa na maibibigay sa’yo ng iyong karelasyon. Kung hindi mo pa rin susundin ang kanyang mga kondisyon at kung palagi kapa ring makikipagmatigasan sa kanya ay sa wala pa rin mauuwi ang inyong relasyon.

Masuwerteng numero; 19,22,26,28

TIGRE (TIGER)

Dapat mong pag-ingatan ang iyong kalusugan. Sa araw na ito at sa mga susunod pa ay magiging prone ka sa karamdaman. Kaya ngayon pa lang ay siguraduhin mo na makakakain ka ng mga healthy foods and fruits.

Masuwerteng numero; 45,47,54,58

KUNEHO (RABBIT)

Isang tao ang magbabalik sa’yong buhay. Kahit ayaw mo na ay ipagpipilitan pa rin niya ang kanyang sarili. Dahil sa kanyang effort na gagawin ay magdadalawang isip ka kung dapat mo nga ba siyang ipagtabuyan o tanggaping muli.

Masuwerteng numero; 51,59,63,67

DRAGON (DRAGON)

Daig mo pa ang bulkan sa pagsabog sa araw na ito dahil hindi mo na magagawang kontrolin pa ang iyong sarili. Sa pag-aalburoto mo pa lang ay marami na ang maaapetuhan. Kakailanganin mo ng tao na magpapakalma sa’yo.

Masuwerteng numero; 1,2,3,4

AHAS (SNAKE)

Kakailanganin mong iwasan ang mga tao sa iyong trabaho na alam mong hindi magiging magandang impluwensya sa’yo. Kung hindi mo ito gagawin ay baka mameligro ka at kalaunan ay ikaw pa ang matanggal.

Masuwerteng numero; 21,23,25,30

KABAYO (HORSE)

Papatok ang iyong negosyo sa araw na ito. Sa mga palad mo dadapo ang suwerte ngayon kaya samantalahin mo na. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras sa social media kung hindi rin lang makakatulong sa’yo.

Masuwerteng numero; 34,37,40,41

TUPA (SHEEP)

May dapat kang matutunan sa nakaraang problemang iyong pinagdaanan. Pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ito makikita dahil ang atensyon mo ay nakatuon sa isang bagay na hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

Masuwerteng numero;5,11,13,20

UNGGOY (MONKEY)

Magiging mailap pa ang suwerte sa araw na ito. Ang perang hinihintay mo ay hindi pa nakalaang dumating sa ngayon. Hindi mo pa ito mahahawakan tulad ng iyong inaasahan kaya kakailanganin mo pang maghintay.

Masuwerteng numero; 68,70,73,80

TANDANG (ROOSTER)

May makikilala ka sa araw na ito na magpapabago sa buhay mo sa hinaharap. Sa ngayon ay hindi mo pa ito mapapansin dahil nakatuon pa ang pansin mo sa iba. At ang pagbabagong ito ay unti-unti lang ang epekto sa’yo.

Masuwerteng numero; 51,52,58,59

ASO (DOG)

Malaki ang role na gagampanan mo para mapabuti ang kalagayan ng isang miyembro ng pamilya. Ikaw lang sa pamilya ang tanging maaasahan nila para masolusyunan ang problemang ito at hindi mo sila matitiis.

Masuwerteng numero; 64,66,75,80

BABOY (PIG)

Isang mahal sa buhay ang magtatampo sa’yo sa araw na ito, dahil sa hindi magandang salita na mabibitawan mo sa kanya. Hindi kabawasan sa iyong pagkatao kung magpapakumbaba at hihingi ng paumanhin.

Masuwerteng numero; 18,22,24,31

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.