25.4 C
Manila
Monday, February 26, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 15, 2024

DAGA (RAT)

Hindi magiging madali ang kakaharapin mong problema matapos ang isang natural disaster. Malawak ang naging pinsala nito sa iyong kabuhayan. Kakailanganin mong magsimula ulit sa ibaba at sa wala tulad ng dati.

Masuwerteng numero; 37,39,42,45

BAKA (OX)

Marami sa iyong mga kamag-anak at kaibigan ang nangangailangan ng tulong. Malilito ka kung sino sa kanila ang uunahin mong bigyan ng tulong lalo pa at limitado lang din ang makakayanan mong iabot sa kanila.

Masuwerteng numero; 26,31,42,44

TIGRE (TIGER)

May magagawa ka para pag-ayusin ang dalawang kaibigan na nasa gitna ngayon ng hindi pagkakaunawaan. Kung hindi mo sila bibigyan ng atensyon ay hindi sila magkakaayos dahil ikaw lamang ang makakapamagitan sa kanila.

Masuwerteng numero; 4,6,9,11

KUNEHO (RABBIT)

Hindi mo magagawang ipagtabuyan ang isang tao kahit pa inis na inis ka na sa kanya. Kung gagawin mo ito ay marami ang maaapektuhan. Kaya naman mas pipiliin mo na lang na iwasan siya at aliwin ang sarili sa ibang bagay.

Masuwerteng numero; 34,40,56,58

DRAGON (DRAGON)

Magkakaroon ka ng pakakataon na kausapin ang isang mataas na tao sa araw na ito. Ito na rin ang pagkakataon mo para sabihin sa kanya ang iyong mga hinaing na may kinalaman sa departamentong kanyang hinahawakan.

Masuwerteng numero; 25,28,33,42

AHAS (SNAKE)

Bibilis ang tibok ng puso mo dahil ngayong araw ay makakatagpo mo ang isang tao na siyang nagbibigay sa’yo ng inspirasyon. Hindi mo maiiwasan na hindi kiligin lalo pa at magtatama ang inyong paningin ng madalas.

Masuwerteng numero; 1,5,7,9

KABAYO (HORSE)

Mas bibigyan mo ngayon ng prayoridad ang iyong kalusugan dahil hindi naging maganda ang pakiramdam mo nitong mga nagdaang araw. Kaya ngayon ay sisikapin mo nang maging maayos  na ang iyong kalusugan.

Masuwerteng numero; 58,59,65,71

TUPA (SHEEP)

Lahat ng tao ay nagkakamali subalit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na maitama ito. Pero ikaw, nasa mga kamay mo ngayon ang pagdedesisyon kung nanaisin mo na itama ang mga pagkakamali na iyong nagawa.

Masuwerteng numero; 12,13,24,27

UNGGOY (MONKEY)

Magkakaroon ka ng isang bagong lihim na tagahanga. Ito ay dahil sa taglay mong likas na karisma sa kapwa. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon para ilantad niya sa’yo ang kanyang nararamdamang paghanga.

Masuwerteng numero; 10,13,15,29

TANDANG (ROOSTER)

Masasangkot ka sa isang gulo na may kinalaman ang maimpluwensyang pamilya sa inyong lugar. Hindi mo maiiwasan na hindi masangkot dahil mga malalapit mong kaibigan  ang siya ring involved at hindi mo sila matitiis.

Masuwerteng numero; 63,65,73,74

ASO (DOG)

May magaganap na pagbabago sa iyong pinapasukang trabaho na bunga ng nakaraang pagsabog ng bulkan. Hindi maganda ang idudulot nito sa iyong pamilya kaya makakaranas ng pansamantalang hirap na kalagayan.

Masuwerteng  numero; 81,82,88,89

BABOY (PIG)

Makakaramdam ka ng pagkailang sa iyong karelasyon dahil sa mapapansin mo ang ilang pagbabago sa kanyang mga kilos at gayundin sa pananalita. Pero pipiliin mo muna na makiramdam kaysa komprontahin siya agad.

Masuwerteng numero; 32,36,42,45

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.