29.6 C
Manila
Wednesday, June 12, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 13, 2024

DAGA (RAT)

Marami kang dapat gawin at tapusin ngayong araw pero hindi mo magagawa dahil susumpungin ka ng katamaran. Kahit anong gawin mo ay hindi mo mapipilit ang sarili na kumilos at  maging aktibo sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,13,14,24

BAKA (OX)

Maging maingat sa mga pagkaing kakainin ngayong araw. Malaki ang posibilidad na meron kang makain na magiging sanhi ng pagsakit ng iyong tiyan. Piliin mo lamang ang mga dati mo nang kinakain kaysa sa hindi pamilyar sa’yo.

Masuwerteng numero; 26,33,37,40

TIGRE (TIGER)

Kailangan mong bawas bawasan ang pakikipag-usap sa mga tao sa social media na hindi mo naman personal na kilala. Huwag ibibigay ng buo ang iyong tiwala dahil malaki ang tendency na ikaw ay maisahan.

Masuwerteng numero; 54,57,69,70

KUNEHO (RABBIT)

Makakatulong ang pag-eehersisyo sa iniinda mong pananakit ng katawan sa ngayon. Huwag kunsintihin ang sarili  sa katamaran dahil magdudulot ito sa’yo ng di maganda. Sikapin na mamotivate ang sarili sa mabuting paraan.

Masuwerteng numero; 35,36,41,43

DRAGON (DRAGON)

Ikaw ang nakakaalam kung sino sa mga kaibigan mo ang nagsasabi sa’yo ng totoo at hindi. Kahit na mas malapit siya sa’yo ay hindi mo dapat sya kinukunsinti sa kanyang maling ginagawa dahil siya rin ang mahihirapan sa huli.

Masuwerteng numero; 1,2,6,8

AHAS (SNAKE)

Hindi mo man inaasahan ay mag-uumapaw ang blessings para sa’yo ngayong araw na ito. Aanihin mo kung ano talaga ang inilaan sa’yo ng tadhana. Huwag pigilan ang sarili sa pagnanais na makatulong sa iba.

Masuwerteng numero; 35,37,41,44

KABAYO (HORSE)

Kakailanganin mo pang habaan at dagdagan ang iyong pasensya para sa ilang kamag-anak na nagtatampo sa’yo nang dahil lang sa mababaw na kadahilanan. Ikaw ang siyang uunawa at iintindi kung ayaw mo na lumalim pa ito.

Masuwerteng numero; 11,21,36,39

TUPA (SHEEP)

Hindi maganda ang magiging araw mo sa trabaho dahil sa ilang problemang kakaharapin. Malabo ring maisara ang isang deal. Pero bago matapos ang araw ay may magandang balita ka naman na matatanggap.

Masuwerteng numero; 15,19,26,31

UNGGOY (MONKEY)

 Kakapusin ka sa budget sa araw na ito. Pero huwag kang mag-alala dahil meron ka namang malapit na kamag-anak na sasaklolo sa’yo para makaraos ka at para meron ka ring magamit sa dadaluhan mong okasyon.

Masuwerteng numero; 31,38,50,53

TANDANG (ROOSTER)

Magiging masagana ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Ang special bonding na matagal nyo ng pinaplano sa wakas ay matutuloy na rin ngayon at mag-eenjoy kayo sa piling ng bawat isa sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 4,6,7,12

ASO (DOG)

Ang tao na dati mong kinaiinisan ay kaaaliwan mo na ngayon. Malaki na ang kanyang pinagbago at ito ang makikita mo sa kanya. Ang araw na ito sa pagitan ninyong dalawa ay magiging magaan lang at masaya.

Masuwerteng numero; 27,28,34,37

BABOY (PIG)

Maging mailap man sa ngayon ang suwerte sa trabaho ay magiging masuwerte ka naman sa iyong buhay pag-ibig. Mananatili siya sa tabi mo sa kabila ng maraming hadlang at kahit ipagtabuyan mo pa siya ay hindi siya matitinag.

Masuwerteng numero; 5,16,17,20

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.