24.8 C
Manila
Friday, March 1, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 12, 2024

DAGA (RAT)

Maiimbitahan ka sa isang mahalagang pagtitipon. Ikatutuwa mo ang pagtanggap sa imbitasyong ito dahil mabubuhayan ka ng loob na makahanap ng oportunidad sa pagtitipong ito na dadaluhan din ng mahahalagang tao.

Masuwerteng numero; 21,22,26,30

BAKA (OX)

Hindi ikaw ang dapat na magpasya para sa isang importanteng usapin sa pamilya pero sa pagkakataong ito ay pagkakatiwalaan ka nila. Ikaw ang may higit na kaalaman tungkol sa bagay na hindi nila mapagpasyahan.

Masuwerteng numero; 30,35,51,54

TIGRE (TIGER)

May matututunan kang aral mula sa isang tao na hindi mo naman kakilala. Ang kwento ng kanyang buhay na malalaman mo ngayon ay tatatak sa iyong isipan at magsisilbi itong paalala sa’yo simula sa araw na ito.

Masuwerteng numero; 5,7,8,11

KUNEHO (RABBIT)

May masasabi ka ngayon na magiging dahilan para magdamdam ang isang malapit na kaibigan. Hindi mo man gusto na masaktan mo siya ay mangyayari pa rin kaya mas makakabuti kung ipapaliwanag na lang ang iyong side.

Masuwerteng numero; 14,16,32,34

DRAGON (DRAGON)

Magiging maaliwalas ang araw na ito para sa’yo at sa iyong pamilya. Ito ang araw na muli kayong magkakatipon tipon. Ang simpleng pagsasama-sama n biglaan lamang at hindi napaghandaan ay higit na masaya.

Masuwerteng numero; 58,60,62,71

AHAS (SNAKE)

Araw ito ng pagtatraydor ng isang kamag-anak na pinagkakatiwalaan mo. Pero hindi ikaw ang tipo ng tao na makikipagkomprontahan nang di nalalaman ang tunay na dahilan at pinagmulan ng isang maling aksyon.

Masuwerteng numero; 4,5,9,13

KABAYO (HORSE)

Ang buong maghapong ito ay nakakabugnot para sa’yo. Parang nananadya ang tadhanang wala kang makokontak sinuman sa iyong mga kaibigan para samahan ka sa araw na ito. Kaya lilipas ang maghapon na wala kang magagawa kundi tumunganga.

Masuwerteng numero; 3,12,24,27

TUPA (SHEEP)

Sa wakas ay magkakaroon ka rin ng oras para sa sarili mo. Ito na ang tamang pagkakataon para gawin mo ang gusto mong pag-a-unwind na mag-isa. Masusulit mo ang araw na ito para sa iyong sarili at mag-eenjoy ka.

Masuwerteng numero; 66,75,81,83

UNGGOY (MONKEY)

Patuloy ang pagdating ng blessings para sa’yo. Ito na ang hinihintay mong doble dobleng biyaya matapos kang mapagsarhan ng isang pintuan ng oportunidad. Matutuloy na rin ang matagal mo ng planong pagbibiyahe.

Masuwerteng numero; 18,19,22,33

TANDANG (ROOSTER)

Makakaranas ka ngayon ng katumalan sa pagtitinda. Labis mo itong ikakalungkot dahil hindi ka sanay na nilalangaw ang iyong paninda. Subalit wala kang magagawa dahil sadyang may araw na maaalat para sa tao gaya ngayon.

Masuwerteng numero;46,49,51,62

ASO (DOG)

Natuto ka na mula sa iyong mga naging karanasan kaya naman sa pagkakataong ito ay alam mo na kung paano mo ihahandle ang sitwasyon. Dahil dito ay marami ang magugulat at the same time ay matutuwa para sa’yo.

Masuwerteng numero;51,56,78,89

BABOY (PIG)

Kung hindi rin lang importante ay iwasan muna ang maglalabas. Malapit ka sa disgrasya ngayon kaya mas makakabuti kung pipiliin na manahimik sa loob ng bahay kung saan maraming bagay kang pwedeng gawin.

Masuwerteng numero; 20,23,35,37

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.