26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 10, 2024

DAGA (RAT)

Wala kang gagawin ngayong araw kundi hintayin ang isang tao na nangakong darating siya para bayaran ka. Lilipas lang ang maghapon mo na walang mangyayari sa iyong pag-aabang. Hindi mo maiiwasan na makaramdam ng inis.

Masuwerteng numero; 3,15,18,21

BAKA (OX)

Mapipilitan kang isoli ang isang gamit na kakabili mo lang dahil sa kapalpakan nito. Mag-ingat sa mga taong makakausap mo tungkol dito dahil ang inyong komunikasyon ay posibleng mauwi sa hindi pagkakaintindihan.

Masuwerteng numero; 35,37,40,45

TIGRE (TIGER)

Mag-iinit ang ulo mo sa isang miyembro ng pamilya na hindi susunod sa gusto mo. Dahil dito ay mapipilitan kang gawin ang ipinagagawa mo sa kanya. Buong maghapon na hindi magiging maganda ang mood mo.

Masuwerteng numero; 32,41,47,49

KUNEHO (RABBIT)

Ikaw ang nakakaalam kung ano ang dapat na maging solusyon sa problemang kinakaharap ngayon ng inyong grupo, subalit walang isa man sa kanila ang makikinig sa’yo. Ikasasama mo ito ng loob at maaaring maging dahilan ng iyong pagkalas.

Masuwerteng numero; 52,55,57,60

DRAGON (DRAGON)

Mapapawi ang nararamdaman mong galit sa isang tao dahil sa kabutihang ipapakita niya sa’yo. Hindi mo ito inaasahan mula sa kanya. Magiging palaisipan din sa’yo ang pabor na kanyang gagawin dahil hindi naman kayo magkasundo.

Masuwerteng numero; 22,25,34,36

AHAS (SNAKE)

Kahit na gaano mo kagusto na mabayaran ang utang mo sa isang tao ay hindi mo pa magagawa sa ngayon dahil sa hindi inaasahang gastusin. Kahit na labag sa iyong kalooban ay matatagalan pa bago ka makabayad.

Masuwerteng numero; 10,11,14,30

KABAYO (HORSE)

Magkakaroon ng misunderstanding sa pagitan nyo ng iyong karelasyon. May kinalaman ito sa pera. Marami siyang itatanong sa’yo kaugnay ng mga nagdaang gastusin. Hindi mo maiiwasan na sumama ang loob dahil dito.

Masuwerteng numero; 4,12,13,20

TUPA (SHEEP)

Magkakaroon ka ng pagkakataon na ayusin ang matagal ng sigalot sa pagitan nyo ng iyong dating matalik na kaibigan. Hindi mo dapat ito mapalampas. Ang araw na ito ay mapupuno ng kaba para sa’yo at sa kanya.

Masuwerteng numero; 56,67,72,79

UNGGOY (MONKEY)

Dapat mo nang simulan ang pagbabago ng iyong routine kung gusto mo na marami kang matapos na gawain. Walang mababago sa iyong buhay kung wala kang babaguhin. Ngayon na ang tamang pagkakataon.

Masuwerteng numero; 63,75,80,89

TANDANG (ROOSTER)

Malakas ang tawag ng tukso lalo na at lagi mong nakakasama ang tao na labis mong kinagigiliwan ngayon. Magiging mahina ka sa paglaban sa kanyang mga ngiti at kaswitan kaya mapapasubo ka talaga sa tukso.

Masuwerteng numero; 26,33,38,42

ASO (DOG)

Hindi magiging maganda ang takbo ng iyong negosyo sa ngayon. Marami kang sasablay na transactions at mahihirapan kang ayusin ito sa loob lamang ng isang araw. Kakailanganin mo rin na makipagtulungan sa iyong kabiyak para rito.

Masuwerteng numero; 31,34,51,62

BABOY (PIG)

Malapit ng dumating ang swerte na hinihintay mo kaya ngayon pa lang ay paghandaan mo na ito. Ayusin mo na ang mga bagay na sa tingin mo ay makakaapekto o makakahadlang dito upang wala ng maging aberya.

Masuwerteng numero; 1,3,5,6

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.