26.3 C
Manila
Monday, July 15, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Enero 1, 2024

DAGA (RAT)

Isang magandang balita ang makakarating sa’yo na bitbit ng iyong kapareha mula sa lugar na kanyang pinuntahan. Isa itong oportunidad na hindi mo dapat pakawalan kaya huwag mo nang pag-isipan dahil baka mawala pa.

Masuwerteng numero; 14,16,20,22

BAKA (OX)

Isang mahalagang bagay ang pagdedesisyunan mo na may kinalaman sa iyong mga anak. Dahil mahalaga ito kaya dapat mo itong pag-isipan na mabuti upang makasiguro ka na hindi ka magkakamali sa iyong pagpapasya.

Masuwerteng numero; 2,5,7,8

TIGRE (TIGER)

Magkakaroon ka ng isang bagong tagahanga sa iyong pinapasukang trabaho. Hindi mo ito dapat ikatuwa dahil siya ay may pamilya na kaya hindi mo rin dapat i-entertain dahil sakit ng ulo lang ang idudulot niya sa’yo.

Masuwerteng numero; 10,11,21,27

KUNEHO (RABBIT)

Mahaharap ka sa isang sitwasyon na mahihirapan kang lusutan kahit pa anong gawin mo. Mas makakabuti kung hihingin ang tulong ng isang kaibigan na pinagkakatiwalaan mo para makawala ka sa sitwasyong ito.

Masuwerteng numero; 37,38,45,46

DRAGON (DRAGON)

Alam mo naman kung ano ang tama kaya gawin mo na ang dapat mong gawin bago pa lumala ang kontobersya na kinasasangkutan mo ngayon. Huwag ka nang magpagamit pa sa mga taong manloloko ng kapwa.

Masuwerteng numero; 50,52,54,60

AHAS (SNAKE)

Kahit minsan ka ng naloko ay muling iiral sa’yo ang pagiging maawain kaya sa muling pagkakataon ikaw ay maiisahan ng parehong tao na minsan ka ng pinaikot sa kanyang mga kamay. Dapat ka ng matuto at madala.

Masuwerteng numero; 30,33,45,55

KABAYO (HORSE)

Hindi pa sasapat ang effort na ipinapakita mo sa trabaho para makamit ang hinahangad na promosyon. Dapat mo pang dagadagan ang iyong sipag at tiyaga. Kakailanganin mo ring lawakan pa ang iyong kaalaman.

Masuwerteng numero; 20,21,25,32

TUPA (SHEEP)

Magiging smooth sailing ang araw na ito sa iyong negosyo. Maganda ang daloy na ipapakita sa’yo ng kapalaran. Dahil sa araw na ito ay makakatagpo ka ng mga customers na may magagaan na paghawak sa pera.

Masuwerteng numero; 28,29,30,31

UNGGOY (MONKEY)

Makakaranas ka ng hindi maganda sa katawan gaya ng pananakit ng ulo, sikmura at maaari ring magsuka. Pero hindi ka dapat masyadong mag-alala dahil agad ding bubuti ang iyong pakiramdam bago matapos ang maghapon.

Masuwerteng numero; 32,46,54,57

TANDANG (ROOSTER)

Kahit nag-effort ka na ay wala pa ring mababago sa relasyon nyo. Mananatili pa rin siyang busy sa trabaho. Mas makakabuti kung maghahanap ka muna ng ibang pagkakaabalahan para hindi masyadong ma-stress.

Masuwerteng numero; 25,34,37,39

ASO (DOG)

Maganda ang araw na ito para ikaw ay bumyahe. Malayo man o malapit ang iyong pupuntahan ay magiging komportable ka dahil sa alwan ng biyahe. Maayos din ang daratnan mo sa lugar na nanaising puntahan.

Masuwerteng numero; 65,68,69,70

BABOY (PIG)

Iwasan ang magpahatid ng balita. Kahit na gaano kabuti ang intensyon mo kung ang naghatid naman sa’yo ng balita ay hindi sigurado sa kanyang sinabi ay sa isang hindi magandang sitwasyon lamang ito mauuwi.

Masuwerteng numero; 15,18,19,22

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.