27.6 C
Manila
Friday, February 23, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 31, 2023

DAGA (RAT)

Prevention is better than cure. Alam mo na ito pero iiral pa rin sa’yo ang katigasan ng iyong ulo. Kaya naman hindi malayong makaranas ka ng sakit kapag ipinagpatuloy mo ang mga ginagawa mong alam mong bawal sa’yo.

Masuwerteng numero; 14,15,20,21

BAKA (OX)

Hindi ikaw ang magdidikta ng iyong kapalaran pero dapat lang na gawin mo kung ano ang makakabuti hindi lang para sa’yo kundi para rin sa mga taong nakapaligid at nagmamahal sa’yo. Iwasan na ang pagpapasaway.

Masuwerteng numero; 1,2,5,7

TIGRE (TIGER)

May darating kang bisita ngayong araw at maaari siyang mamalagi sa inyo ng ilan pang araw. Huwag siyang papakitaan ng hindi maganda. Dapat lang na maging maayos ang iyong pakikisama may pakinabang man o wala sa bisita.

Masuwerteng numero; 13,20,24,26

KUNEHO (RABBIT)

Hindi man ito ang araw na susuwertehin ka sa negosyo mo ay dapat ka lang magrelaks dahil at least kahit papa’no ay walang kamalasan naman ang maliligaw sa iyong pwesto na makakaapekto sa iyong negosyo.

Masuwerteng numero; 12,23,30,31

DRAGON (DRAGON)

Hindi mangyayari ang inaasahan mo sa araw na ito. Subalit meron namang mas magandang mangyayari. Kaya ihanda mo na an sarili mo para rito. May kinalaman ito sa iyong buhay pag-ibig na naging matamlay lately.

Masuwerteng numero; 27,28,36,40

AHAS (SNAKE)

Hindi tamang habulin mo ang isang tao kahit na harap harapan na niyang ipinamukha sa’yo na wala kang halaga sa kanya. Mas gagaan ang pakiramdam mo kung tuluyan mo na siyang pakakawalan maging sa puso mo’t isipan.

Masuwerteng numero; 4,11,22,30

KABAYO (HORSE)

Hindi mo na kailangang iwasan ang isang tao na sa tingin mo ay may hindi magandang intensyon sa’yo dahil siya na mismo ang kusang iiwas sa’yo at hindi mo malalaman kung ano ang kanyang tunay na dahilan.

Masuwerteng numero; 57,60,62,63

TUPA (SHEEP)

Ikakabigla mo ang pagyao ng isang kakilala na kailan lamang ay kausap mo pa at sa tingin mo ay napakalakas niya. Ngayon mo lamang matutuklasan na siya ay matagal nang nakikipaglaban sa kanyang sakit.

Masuwerteng numero; 40,51,54,65

UNGGOY (MONKEY)

Mapipilitang umamin sa’yo ang isang tao na matagal nang lihim na may pagtingin sa’yo. Hindi mo man ipakita ay deep inside kang kikiligin dahil matagal mo na rin siyang hinahangaan lalo na sa kanyang talento.

Masuwerteng numero; 1,21,29,30

TANDANG (ROOSTER)

Ang pagkakaibigan na matagal nyong iningatan ay nakatakdang masira sa araw na ito dahil sa mga balitang makakarating sa’yo na mapapatotohanan sa’yo ng mga taong nagmamalasakit at pinagkakatiwalaan mo.

Masuwerteng numero; 35,39,50,66

ASO (DOG)

Kung minsan kung sino pa ang hindi mo pinagkakatiwalaan at palagi mong pinagdududahan ay siya pa ang masasandalan mo at sasalo sa’yo sa oras na kailangan mo ng tulong at wala kang ibang matatakbuhan.

Masuwerteng numero; 43,44,52,59

BABOY (PIG)

Huwag ka nang magpatumpik tumpik pa sa pagtanggap sa isang oportunidad na nasa harapan mo ngayon. Sa oras na ito ay iyong pakawalan huwag ka ng umasa na ito ay magbabalik pa at muling kakatok sa pintuan mo.

Masuwerteng numero; 15,20,24,25

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.