26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 29, 2023

DAGA (RAT)

Iwasan ang mga tao na mahilig maghatid ng balitang hindi makatotohanan. Ang taong gaya nila ay merong hindi magandang intensyon. Mas mabuti nang umiwas bago ka pa malagay sa alanganing sitwasyon.

Masuwerteng numero; 25,30,35,41

BAKA (OX)

Magiging makabuluhan ang araw na ito dahil sa isang mahalagang tao na bibisita sa inyong bahay. Minsan lang ito mangyari kaya naman sasamantalahin nyo na ang pakakataon na makasalo siya sa inyong hapag kainan.

Masuwerteng numero; 24,26,34,37

TIGRE (TIGER)

Huwag masyadong istressin ang sarili sa problema ng iba. Meron kang sariling problema na dapat mong pinagtutuunan ng pansin. Mas mahalaga na masolusyunan mo muna ito kung talagang nais mo na makatulong sa iba.

Masuwerteng numero; 4,10,12,24

KUNEHO (RABBIT)

Wala kang mapapala sa kakasunod mo sa isang tao. May sarili kang talento para ipakita sa iba. Dito ka dapat magpokus upang madagdagan an iyong kumpiyansa sa sarili. Ngayon na ang tamang araw para magpakitang gilas.

Masuwerteng numero; 25,27,32,43

DRAGON (DRAGON)

 Kung hindi ka pa handang magpatawad ay huwag pilitin ang sarili. Bigyan ng time ang sarili para makapagmuni muni at mapag-isipang mabuti ang mga pangyayari. Pahupain muna ang galit sa dibdib at kusa mong matatagpuan sa puso ang pagpapatawad.

Masuwerteng numero; 13,16,18,20

AHAS (SNAKE)

Wala kang dapat gawin kung hindi man siya ang tao na inilaan ng Diyos para sa’yo. Hindi mo kailangan na magmukmok at malungkot ng husto. Ibig sabihin lang na may higit na makakabuti para sa’yo sa katauhan ng iba.

Masuwerteng numero; 58,60,65,69

KABAYO (HORSE)

Malapit nang dumating ang hinihintay mong oportunidad sa trabaho. Pero habang hindi pa ito dumarating ay kailangan mo munang ipagpatuloy ang anumang iyong pinagkakaabalahan sa ngayon upang hindi mainip.

Masuwerteng numero; 21,33,38,45

TUPA (SHEEP)

Malalaman mo na ang sikretong iniingatan ng isang kakilala. Medyo may kabigatan ito kaya dapat mo rin ingatan na malaman ito ng iba. Magin sensitibo sa damdamin at sitwasyon ng iba upang makaiwas sa gulo.

Masuwerteng numero; 5,7,11,13

UNGGOY (MONKEY)

Isang bagong grupo ang kabibilangan mo. Malaki ang maitutulong nito sa pag-improve mo sa iyong personalidad at pagkatao. Kung nais mo ay maaari mo rin itong ibahagi sa iba upang makuha rin nila ang benepisyong hatid nito.

Masuwerteng numero; 2,3,6,11

TANDANG (ROOSTER)

Maaari kang maguluhan sa ipapakita sa’yong kilos ng isang tao. Yung akala mo okay kayo pero parang iwas siya sa’yo. May dahilan ito na malalaman mo rin sa tamang panahon at pagkakataon. Hindi kailangang magmadali.

Masuwerteng numero; 24,26,31,32

ASO (DOG)

Magiging maganda at makulay ang takbo ng iyong lovelife. Hindi siya papalya sa pagpapakilig sa’yo kaya naman lalo pa siyang mapapalapit sa puso mo. Ang buong maghapon ay mapupuno ng inyong pagmamahalan.

Masuwerteng numero; 20,21,42,46

BABOY (PIG)

Mababawasan ang kumpiyansa mo sa sarili dahil sa isang tao. Ang masasakit na salitang kanyang bibitawan ay tatatak sa iyong isipan. Dapat mong pangibabawin ang tiwala sa sarili kaysa pangungutya ng ibang tao.

Masuwerteng numero; 13,15,25,27

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.