26.5 C
Manila
Thursday, February 29, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 27, 2023

DAGA (RAT)

Hindi mo inaasahan pero muli mong mararamdaman ang spark na dati mong naramdaman sa isang tao. Ito ay dahil sa muling pagkukrus ng inyong landas. Gayunpaman alam mo na hindi mo dapat kunsintihin ang damdaming ito.

Masuwerteng numero; 10,13,15,20

BAKA (OX)

Mahihirapan kang amuin ang iyong karelasyon na nagtatampo dahil sa iyong naging pagkukulang at nagawang pagkakamali. Pero wala kang balak sumuko kahit na anong mangyari. Desidido kang maibalik siya sa inyong tahanan.

Masuwerteng numero; 23,24,31,37

TIGRE (TIGER)

Sa kabila ng pagsasaya ng inyong mga kamag-anak ay magkakaroon naman ng silent war sa pagitan nyo ng isang miyembro ng pamilya. Ito ay dahil sa maliit na selos na habang tumatagal ay palaki na nang palaki.

Masuwerteng numero; 1,4,6,9

KUNEHO (RABBIT)

Gustuhin mo man ay hindi mo mapagbibigyan ang kahilingan ng isang kaibigan dahil alam mo sa sarili na hindi mo ito kayang ibigay. Wala kang dapat gawin. Dito mo masusubok kung kaya ka niyang maunawaan.

Masuwerteng numero; 44,53,57,65

DRAGON (DRAGON)

Sapat na sa’yo na makita mong masaya at kuntento sa buhay na kaya mong ibigay ang iyong pamilya kaya irereject mo ang isang magandang offer na trabaho sa’yo sa malayo dahil hindi mo rin kaya na malayo sa kanila.

Masuwerteng numero; 67,69,71,74

AHAS (SNAKE)

Isang dating kaaway ang makakausap mo ngayon. Hindi mo man inaasahan pero nakatakda kayong magkabati sa araw na ito dahil may ilang mga bagay at sitwasyon pa kayong pagsasamahan sa hinaharap.

Masuwerteng numero; 36,43,50,58

KABAYO (HORSE)

Mag-ingat sa isang tao na nagawan mo ng kasalanan. Nananahimik man siya ngayon ay desidido siyang gantihan ka sa hinaharap. Ngayong araw ay magkukrus ang landas nyo sa isang pagtitipon na pareho kayong naimbitahan.

Masuwerteng numero; 34,41,52,60

TUPA (SHEEP)

Makakaranas ng pananakit ng ulo dahil sa sobrang pagod mula sa kabi-kabilang pagtitipon na dadaluhan. Hindi ka naman makakatanggi dahil lahat ng pagtitipon na ito ay konektado ka at mahalaga sa’yo.

Masuwerteng numero; 22,26,29,31

UNGGOY (MONKEY)

Maganda ang kulay ng iyong career sa ngayon at higit pa itong gaganda sa mga susunod na araw. Ngayon ay matutuloy na ang inaasahang meeting. Magiging maganda at maayos ang resulta ng pag-uusap na ito.

Masuwerteng numero; 17,18,20,30

TANDANG (ROOSTER)

May katabangan at katumalan ang takbo ng negosyo mo para sa araw na ito. Hindi mo kailangang magbago ng strategy o umisip ng ibang negosyo. Sadyang may mga araw lang na mahina ang benta anuman ang iyong produkto.

Masuwerteng numero; 25,32,34,46

ASO (DOG)

Isang magandang katangian ng iyong mahal ang matutuklasan mo dahil sa isang pangyayari ngayong araw. Dahil dito ay lalong lalaki ang paghanga mo sa kanya at lalo mo pa siyang mamahalin sa kabila ng ilan din niyang kapintasan.

Masuwerteng numero; 12,23,25,29

BABOY (PIG)

Muling susubukin ng tadhana ang katatagan mo sa mga problemang ibinabato sa’yo ng panahon. Pero wala kang balak sumuko. Bukod sa iyong pamilya ay alam mong maraming kamag-anak din ang umaasa sa’yo.

Masuwerteng numero; 16,19,21,26

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.