26.7 C
Manila
Sunday, June 16, 2024

Chinese Horoscope (TAG) Disyembre 26, 2023

DAGA (RAT)

Makakatanggap ng isang magandang balita mula sa tao na nakakataas sa inyong trabaho. Wala man itong kinalaman sa iyong posisyon ay biyaya pa rin itong maituturing na makakatulong sa’yo at sa iyong pamilya.

Masuwerteng numero; 11,12,25,32

BAKA (OX)

Aminado kang malas pagdating sa mga pa-raffle. Pero huwag kang mag-alala dahil sa araw na ito ay meron kang mapagwawagian at maiuuwi kahit papa’no. Hindi man ito kasinglaki o kasinghalaga ng nais mo.

Masuwerteng numero; 26,43,44,50

TIGRE (TIGER)

Isang tao ang mangingilag sa’yo ngayong araw na ito. Hindi dahil sa kaiinisan ka niya o kaiinisan mo siya kundi makakaramdam siya ng pag-aalangan na lapitan ka dahil ibang-iba ang magiging hitsura mo sa paningin niya.

Masuwerteng numero; 10,16,21,25

KUNEHO (RABBIT)

No effect ang pagpapapansing gagawin mo sa kanya dahil kahit ikaw ang malapit sa kanya ay nasa malayo naman ang kanyang tingin kung saan nandoon ang kanyang puso’t isipan kaya huwag ka ng mag-aksaya pa ng effort.

Masuwerteng numero; 2,3,7,9

DRAGON (DRAGON)

Hindi ka man makauwi sa iyong pamilya at hindi mo man sila makasama sa napakahalagang okasyon, wala kang dapat ipag-alala dahil maiintindihan ka nila. Alam nila na hindi rin ito madali para sa’yo kaya’t uunawain ka na lang nila.

Masuwerteng numero; 13,14,21,32

AHAS (SNAKE)

Dahil masayang masaya ka kaya hindi mo na maaalintana ang pagkakamaling magagawa. Maliit na bagay man ito ay hindi pa rin maiiwasan na meron kang damdamin na masaling at malalaman mo ito bago matapos ang araw.

Masuwerteng numero; 54,64,68,73

KABAYO (HORSE)

Isang bisita ang magpapangiti sa’yo ngayon. Kahit wala ka sa mood para tumawa o magsaya dahil sa pinagdaraanang problema ay hindi ka makakatagal at bibigay ka rin sa kanyang kakulitan sa buong maghapon.

Masuwerteng numero; 61,76,82,90

TUPA (SHEEP)

Ang suliranin sa pera sa wakas ay masosolusyunan na ngayon. Hindi man lahat pero malaking bagay ang mababawas sa iyong dinadala. Kahit papa’no ay luluwag na rin ang iyong paghinga dahil sa biyayang matatanggap.

Masuwerteng numero; 34,38,39,47

UNGGOY (MONKEY)

Kahit pa gaano kasaya sa paligid ay mananatili kang tahimik habang tinatapos ang iyong trabaho. Ito ang siyang magiging eksena mo sa araw na ito at wala kang pakialam kahit sabihan ka ng iba na KJ o bitter dahil sa hindi pakiki-join.

Masuwerteng numero; 24,25,28,29

TANDANG (ROOSTER)

Ang kabutihang ipinakita mo nung mga nagdaang araw ay aanihin mo ang gantimpala ngayon. Hindi mo man inaasahan na ito ay magkakaroon ng kapalit ay wala kang magagawa kundi tanggapin sapagkat ito ay laan sa’yo.

Masuwerteng numero; 13,14,25,28

ASO (DOG)

Magiging mailap ang magandang kapalaran sa araw na ito. Gayunpaman hindi ka naman masi-zero sa kasiyahan dahil nasa tabi mo ang mga mahal mo sa buhay at sila ang magsisilbing magandang kapalaran mo.

Masuwerteng numero; 26,31,35,57

BABOY (PIG)

Hindi mo lubos na maeenjoy ang pagtitipong dadaluhan dahil meron kang pagseselosan. Gayunpaman, sa kabila ng iyong pagseselos ay mananatili siya sa tabi mo para patunayan sa’yo na wala kang dahilan para magselos.

Masuwerteng numero; 7,9,10,18

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.